Walang bangko o ATM? Mag-withdraw sa Cash Agad ng BDO

by KC Cordero
Sep 29, 2021
Sa pamamagitan ng Cash Agad, hindi na kailangang bumiyahe pa nang malayo o gumastos nang malaki para sa pamasahe ang mga cardholder para lang makapag-withdraw ng kailangan nilang pera. Photo courtesy of BDO

May pumasok na suweldo, remittance, o ayuda sa iyong ATM card?

Mas madali, mabilis, at malapit pagwi-withdraw sa “Cash Agad,” lalo na sa mga probinsiya o munisipalidad na walang bangko o malapit na Automated Teller Machines (ATMs).

Ang Cash Agad ay tugon ng BDO para sa pagsulong ng financial inclusion sa bansa.

Continue reading below ↓

Ito ay isang banking solution kung saan maaaring mag-withdraw ng cash o mag-balance inquiry via point-of-sale (POS) machines ang alinmang Philippine-issued debit o prepaid card.

Ang mga POS machines na ito ay matatagpuan sa mga Cash Agad partner agents na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) tulad ng sari-sari stores, bakeries, groceries, hardware stores at iba pang establishments na matatagpuan sa mga komunidad.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, mayroon nang over 9,500 partner agents and Cash Agad sa mahigit 1,400 municipalities nationwide.

Bukod sa pagbibigay ng serbisyo sa mga cardholders sa komunidad, natutulungan din ng Cash Agad ang mga MSMEs na magkaroon ng extra income.

Para sa mga business owners na gustong maging Cash Agad partner agent, kailangan lamang ay may BDO or BDO Network Bank account at business permit.

Maaaring i-submit ang inyong application sa https://www.bdo.com.ph/cash-agad-application.

Napakadali lang mag-transact sa Cash Agad:

  • Pumunta sa malapit na Cash Agad partner agent. Hanapin ang Cash Agad logo.
  • Sabihin sa cashier ang amount na gusto mong i-withdraw at ipasok ang iyong ATM debit or prepaid card sa POS terminal na iaabot ng cashier.
  • For security purpose, IKAW mismo ang dapat na mag-input ng iyong PIN sa POS terminal.
  • Kunin ang iyong card, cash, at transaction receipt.
  • May babayaran lamang na convenience fee na PHP15 hanggang PHP50 bawat transaction.
  • Kung gusto mong man-balance inquiry, sabihin lamang sa kahera at kapag nai-input ang iyong PIN ay abangan ang pag-display ng balanse sa POS terminal o Pinpad. Free of charge ito.
Continue reading below ↓

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cash Agad, go to https://www.bdo.com.ph/cash-agad.

Noong 2014, inilunsad ang Cash Agad para mapabilis ang access sa pondo ng mga kababayan nating naninirahan sa mga lugar na limitado o kaya ay walang bangko at Automated Teller Machines (ATMs).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng Cash Agad, hindi na kailangang bumiyahe pa nang malayo o gumastos nang malaki para sa pamasahe ang mga cardholder para lang makapag-withdraw ng kailangan nilang pera. Photo courtesy of BDO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results