FDA may "warning" tungkol sa "Nine to Mine" scent ng Bench cologne

by KC Cordero
Sep 28, 2021
Pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag munang bilhin at gamitin ang “Nine to Mine” scent ng Bench na idineklarang "Non-Compliant." Photo: FDA Philippines on Facebook

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) noong September 22, 2021 sa publiko laban sa pagbili ng isang cologne scent mula sa local retail brand na Bench.

Sa Public Health Warning ng ahensiya, nilabel niya ang variant na "non-compliant."

Ayong sa Advisory No. 2021- 2349 ng FDA, tanging ang “Nine to Mine” scent ang tinukoy dahil sa mga sumusunod na paglabag:

Continue reading below ↓
  1. Ang mga ingredients na nakalista sa label ay hindi tugma sa mga impormasyon na nakadeklara sa acknowledged product notification.
  2. Ang address ng local company na responsable sa paglalagay ng produkto sa merkado na nasa label ay hindi tugma sa mga impormasyon na nakadeklara sa acknowledged product notification.

Ang ibang variants sa nasabing cologne line ay hindi kasama sa ipinagbabawal ng FDA.

Naririto ang kabuuan ng FDA advisory: https://bit.ly/3icMub8.

Samantala, kinontak na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Bench para kunin ang anumang pahayag nito tungkol sa public health warning ng FDA.

Ayon sa nakausap ng PEP.ph, "there is no issue with product safety or efficacy," at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang brand sa FDA.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag munang bilhin at gamitin ang “Nine to Mine” scent ng Bench na idineklarang "Non-Compliant." Photo: FDA Philippines on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results