DOH ipinaliwanag ang “expiration period” ng medical-grade face shields

by KC Cordero
Sep 30, 2021
Ipinaliwanag ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang medical-grade face shields ay nagde-deteriorate ang quality pagkalipas ng 36 months. Photo: @FranciscoDuqueOfficial on Facebook, Jerome Ascano

Ang “medical-grade” na face shields ay may general shelf life na 36 na buwan.

Ito ang inihayag ng Department of Health noong September 27, 2021, matapos aminin ng isang executive ng company na nag-supply ng COVID-19 gear sa gobyerno na pinalitan nila ang production dates ng face shields.

Ang medical-grade face shields ang ginagamit ng mga healthcare workers, at mas mataas ang kalidad nito kumpara sa ordinary face shields na nabibili kahit sa mga bangketa.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang medical grade-face shields ay maaaring gamitin 36 na buwan o tatlong taon mula sa kanilang production date.

NADE-DETERIORATE ANG FOAM AT GARTER

Ipinaliwanag ng DOH secretary na ang garter at ang foam na nakakabit sa face shield at nagsisilbing cushion sa noo ng nagsusuot nito ay nade-deteriorate pag lumampas na sa 36 na buwan o tatlong taon.

"'Yung kanyang foam at garter ay dapat tumagal nang 36 na buwan," paglilinaw ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na pulong kasama ang iba pang Cabinet officials.

Continue reading below ↓

Pag lumampas na sa 36-month period, sinabi ni Duque na ang foam sa face shields ay nagiging malutong at napupulbos na.

Maging marupok na rin aniya ang garter.

Aniya, "Yung garter ay nagiging brittle din po, at yun po yung tinatawag natin na may shelf life of about 36 months."

IMBESTIGASYON SA PAGBILI NG GOBYERNO NG FACE SHIELDS

Ginawa ni Duque ang paliwanag habang patuloy na sinisiyasat ng mga mambabatas ang diumano ay katiwalian sa pagbili ng pamahalaan ng COVID-19 supplies.

Bakit nga ba pinili ng gobyerno bilang supplier ang Pharmally, na nakakuha ng mahigit PHP8 bilyong kontrata ng medical supplies noong isang taon sa kabila ng maliit na kapital nito.

Noong isang linggo ay inamin ni Krizle Mago, head ng Regulatory Affairs ng Pharmally, sa mga mambabatas na pinalitan nila ang petsa kung kailan ginawa ang mga face shields na nai-deliver sa DOH.

Sa halip na 2020, ginawa nila itong 2021.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Duque na dapat magbayad ang Pharmally sa gobyerno ng danyos.

Aniya pa, "Hindi po natin tinatanggap ang mga supplies na hindi ini-inspect ng ating DOH inspection team."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang medical-grade face shields ay nagde-deteriorate ang quality pagkalipas ng 36 months. Photo: @FranciscoDuqueOfficial on Facebook, Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results