PHP20 paper bill until end of 2021 na lang puwedeng gamitin? Fake News!

by KC Cordero
Sep 28, 2021
Naglabas ng advisory ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maaari pa ring gamitin sa pang-araw-araw na transaksiyon ang 20-peso bill. Photo courtesy of reportr

Inabisuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na ang 20-Piso New Generation Currency (NGC) banknotes ay nananatiling legal tender at maaari pang gamitin sa mga pang-araw-araw na transaksyon.

Sa inilabas na pahayag ng BSP nitong September 28, 2021, sinabi nito na ang 20-peso NGC banknotes ay unti-unti nang aalisin sa sirkulasyon “through natural attrition or until they become unfit for recirculation."

Continue reading below ↓

Sa Facebook post ng BSP ay sinabi rin nitong fake news ang kumakalat na text messages na ang 20-peso banknotes ay magiging demonetized na sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, naglabas din ang BSP ng advisory sa mga bangko na i-promote ang distribution, recirculation, and mobilization ng bagong 20-peso coins.

Inilabas ng BSP ang bagong 20-peso NGC coin noong December 17, 2019.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas ng advisory ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maaari pa ring gamitin sa pang-araw-araw na transaksiyon ang 20-peso bill. Photo courtesy of reportr
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results