Voter registration extension period ipatutupad sa October 9-31

by KC Cordero
Sep 29, 2021
Muling bubuksan ng Comelec ang voter registration sa October 9-31 para ma-accommodate ang mga hindi pa rehistrado. Photo: @RobinsonsOtis on Facebook

Palalawigin pa ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration period para sa 2022 elections upang ma-accommodate ang mga hindi pa nakakapagparehistro.

Ito ang inihayag ni Comelec Chairman Sheriff Abas nitong September 29, 2021.

Ipatutupad ang voter registration extension period sa loob ng 23 araw.

Ayon kay Abas, pagkalipas ng September 30 kung kailan opisyal nang tapos ang takdang panahon para sa pagpaparehistro, muling bubuksan ng Comelec ang registration sa October 9-31.

Ang walong araw na pagitan ay gugugulin sa pagdaraos naman ng filing ng Certificates of Candidacy (CoCs) para sa national positions mula October 1 hanggang 8.

"We will discuss the details but ang initial na plano is we will conduct this after the filing, after October 8, that's the time we will start again the extension for the registration up to the end of October," pahayag ni Abas sa panayam ng CNN Philippines.

Sinabi rin niya na pinakinggan ng Comelec ang hiling ng publiko na ma-extend ang voter registration dahil marami nga ang hindi nakapagpatala dahil sa pandemya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling bubuksan ng Comelec ang voter registration sa October 9-31 para ma-accommodate ang mga hindi pa rehistrado. Photo: @RobinsonsOtis on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results