Alamin: 11 health conditions ng minors na priority sa COVID-19 vaccine

by KC Cordero
Oct 5, 2021
Ang mga menor de edad na taglay ang alinman sa 11 comorbidities na inilabas ng DOH ang magiging prayoridad sa COVID-19 vaccine sa kanilang age group.

Naghahanda na ang gobyerno na ilunsad ang anti-COVID-19 pilot vaccination program para sa mga menor de edad.

Inilabas ng Department of Health (DOH) noong October 4, 2021 ang listahan ng 11 comorbidities para mag-qualify ang mga edad 12-17 sa isasagawang programa.

Ang “comorbidities” ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mahigit sa dalawang sakit o medical condition.

Halimbawa, ang isang taong may diabetes at hypertension ay ikinukonsiderang may comorbidities.

Ang comorbid conditions ay madalas na pangmatagalan.

Ang listahan ng comorbidities ay nanggaling sa Philippine Pediatric Infectious Diseases Society, ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ang mga menor de edad na may taglay ng alinman sa mga sumusunod na comorbidities ay kabilang sa mga unang mababakunahan sa kanilang age group:

  1. Medical Complexity
  2. Genetic conditions
  3. Neurologic conditions
  4. Metabolic/ endocrine
  5. Cardiovascular disease
  6. Obesity
  7. HIV infection
  8. Tuberculosis
  9. Chronic respiratory disease
  10. Renal disorders
  11. Hepatobiliary

Bago sila bakunahan, kailangan muna ng clearance mula sa kanilang doktor, at informed consent mula sa kanilang parents/guardians.

Continue reading below ↓

Dapat ding pumapayag ang menor de edad na mabakunahan siya.

Kailangan ding matiyak ang availability ng Pfizer at Moderna, ang mga brand ng bakuna na may emergency use authorization para sa 12 to 17 years old na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration.

Naririto naman ang anim na ospital na gagamitin para sa pilot COVID-19 vaccination program para sa mga menor de edad, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.:

  1. Philippine Children's Medical Center
  2. National Children's Hospital
  3. Philippine Heart Center
  4. Pasig City Children's Hospital
  5. Fe del Mundo Medical Center
  6. Philippine General Hospital

Sisimulan ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa October 15, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga menor de edad na taglay ang alinman sa 11 comorbidities na inilabas ng DOH ang magiging prayoridad sa COVID-19 vaccine sa kanilang age group.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results