PHP1 milyon mapapanalunan sa “Resbakuna Bakunado Panalo” program

by KC Cordero
Oct 6, 2021
May chance ang mga indibidwal na bakunado na manalo ng PHP100,000 hanggang PHP1 million sa “Resbakuna Bakunado Panalo” program ng gobyerno.

Para mahikayat ang mga kababayan natin na magpabakuna laban sa COVID-19, inilunsad ng pamahalaan ang “Resbakuna Bakunado Panalo” program.

PHP1 milyon Resbakuna Bakunado Panalo program

Opisyal itong inihayag ng Department of Health (DOH) noong October 4, 2021 sa official Facebook page nito.

PHP1 milyon mapapanalunan  Resbakuna Bakunado Panalo

Continue reading below ↓

Magkakaroon ng tsansa ang mga indibidwal na bakunado na manalo ng PHP100,000 hanggang PHP1 million in cash sa grand draw sa December 20, 2021.

Para sumali, i-text ang RESBAKUNAREG NAME/AGE/ADDRESS, at ipadala sa 8933.

Libre ang text sa prosesong ito.

Kapag rehistrado na, i-text ang vaccine details: RESBAKUNA 1st letter ng vaccine brand/pang-ilang dose/LGU/petsa ng bakuna at i-send sa 8933.

Piso naman kada text sa prosesong ito.

May isang raffle entry para sa partially vaccinated.

Kung fully vaccinated, may kabuuang tatlong raffle entries.

Para sa mga nakatanggap ng Johnson & Johnson vaccine, tatlong raffle entries agad ang makukuha.

Doble naman ang makukuhang raffle entries ng mga senior citizen.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May chance ang mga indibidwal na bakunado na manalo ng PHP100,000 hanggang PHP1 million sa “Resbakuna Bakunado Panalo” program ng gobyerno.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results