School sa Bohol, finalist sa United Arab Emirates sustainability award

by KC Cordero
Oct 6, 2021
Nakabilang ang Bohol Wisdom School sa Zayed Sustainability Prize 2022 finalists dahil sa proyekto nitong automated water-quality monitoring system for aquaculture ponds.

Isa ang Bohol Wisdom School sa 30 finalists ng Zayed Sustainability Prize 2022.

Malaking achievement ito dahil nasa 4,000 applications ang natatanggap ng Zayed Sustainability Prize—isang pioneering award for sustainability ng United Arab Emirates.

Tribute din ito sa legacy ng yumaong founding father ng UAE na si Sheikh Zayed bin Sultan Al Nahyan.

Ginaganap ito taun-taon para kilalanin ang mga achievements ng mga nagsusulong ng “impactful, and inspiring sustainability solutions" sa limang magkakaibang kategorya: Health, Food, Energy, Water and Global High Schools.

Paglalabanan ng 30 finalists ang 10 awards sa limang kategoryang nabanggit.

Ang mga finalists ay pinili ng jury na binubuo ng mga dating pinuno ng mga bansa, government officials, and international business figures.

Pararangalan ang mga magwawagi sa January 2022.

Aabot naman sa US$100,000 (5,073,850.00) ang matatanggap na premyo.

Bohol Wisdom School finalist Zayed Sustainability Prize 2022

Continue reading below ↓

BWS PROJECT FOCUSES ON AQUACULTURE

Nakabilang ang BWS sa mga finalists para sa East Asia & The Pacific sa ilalim ng Global High Schools category.

Kinikilala sa kategoryang ito ang “project-based, student-led sustainability solutions."

Para sa kumpetisyon, gumawa ang mga estudyante ng BWS ng automated water-quality monitoring system para sa aquaculture ponds.

Ang statement ng BWS tungkol sa project ay naka-post sa Zayed Sustainability Prize website.

Nakasaad dito: "The school hopes to mitigate the loss of fish in the Philippines, while learning about water quality, food waste fertilizers, and tech innovation."

Layunin din ng proyekto na makapaghatid ng mga benepisyo sa mga estudyante at matulungan ang mga magsasaka sa kanilang local community na mapataas ang ani sa susunod na 20 taon.

Tinatayang nasa 1,000 students ang makikinabang sa kanilang proyekto sa unang limang taon kapag nailunsad ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakabilang ang Bohol Wisdom School sa Zayed Sustainability Prize 2022 finalists dahil sa proyekto nitong automated water-quality monitoring system for aquaculture ponds.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results