Paalala sa mga National ID applicants, iwasan at i-report ang mga fixers

by KC Cordero
Oct 8, 2021
Nagpaalala ang Philippine Statistics Authority sa publiko na libre ang registration, pagtanggap, at delivery Philippine Identification card, o National ID. Iwasan ang mga fixers.

Muling pinaalalahanan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga applicants para sa Philippine Identification System (PhilSys) na iwasan ang makipagtransaksiyon sa mga illegal fixers.

Ito ay kaugnay ng registration services para sa National ID.

Wala pong bayad ang STEP 1.

PhilSys applicants pinaalalahanan PSA iwasan i-report fixers

Sa inalabas na advisory noong October 7, 2021, sinabi ng PSA na ang access sa Step 1 registration process sa pamamagitan ng online portal na www.philsys.gov.ph ay nananatiling libre.

Continue reading below ↓

Wala ring bayad ang pagde-deliver ng Philippine Identification (PhilID) cards.

Hinikayat ng PSA ang publiko na personal na mag-sign up online sa PhilSys project para makaiwas na mabiktima ng phishing scams.

Wag ring basta-basta ibibigay ang iyong personal information.

"Humingi lamang ng tulong sa mga kamag-anak at mga pinagkakatiwalaang kakilala sa pagre-register online upang makaiwas sa scam at maling paggamit ng inyong personal na impormasyon," ayon sa bahagi ng advisory.

Nakikipag-ugnayan na ang PSA sa mga awtoridad para mahuli ang mga illegal fixers.

Hiniling din nito sa publiko na isumbong ang sinumang fixer, unauthorized PhilSys transactions, at maging ang fake registration websites sa PhilSys hotline number 1388.

Maaari ring mag-report sa official Facebook page ng PSA at sa email address na: info@philsys.gov.ph.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpaalala ang Philippine Statistics Authority sa publiko na libre ang registration, pagtanggap, at delivery Philippine Identification card, o National ID. Iwasan ang mga fixers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results