Beware of smishing: Huwag i-click ang link sa bogus text message!

by KC Cordero
Oct 12, 2021
Panibagong taktika ng scammers ang smishing kung saan nagpapanggap ang mga ito na bank representatives para manakaw ang inyong bank details.

Hindi nauubusan ng paraan ang mga scammers para makapanloko sa pamamagitan ng text messages.

Ayon sa National Privacy Commission (NPC), kapag nakatanggap kayo ng text message na nagsasabing i-click ninyo ang link para ma-confirm ang inyong bank details at iba pang mahahalagang impormasyon, ito ang tinatawag na “smishing” o SMS phishing.

Smishing bogus text messages from scammers, fake bank representatives steal your bank details

Continue reading below ↓

Sa smishing, makatatanggap kayo ng text messages mula sa unknown numbers na nagpapanggap na bank representatives o kaya ay online sellers.

Panibagong taktika ito ng mga manloloko para manakaw ang inyong personal data.

"Ito'y isang uri ng hacking kung saan hindi na gumagamit ng puwersa ang hacker kasi ikaw mismo, pag naloko ka na nila, nalansi ka nila, ikaw na magbibigay ng sarili mong impormasyon sa kanila," ayon kay NPC chairperson Raymund Liboro sa panayam ng DZBB noong October 11, 2021.

SCAMMERS NAGPAPANGGAP NA BANK REPRESENTATIVE

Sinabi ni Liboro na napakarami na nilang natatanggap na reklamo tungkol sa smishing.

Aniya, ang karaniwang istilo ng mga scammers ay magpanggap na bank representative.

Sasabihin ng scammer na may kaduda-dudang withdrawal mula sa inyong bank account at kailangan ninyong i-update ang inyong credentials sa link na kanilang ipinadala.

Continue reading below ↓

Sasabihan rin nila ang online shoppers na i-fill out ang additional forms para sa iba pang detalye, kabilang na ang bank account para ma-confirm ang transaction.

Paliwanag ni Liboro, “Lahat ho siguro kayo minsan nakakatanggap ng messages na hindi mo malaman kung saan nanggaling and there are links. And once you click that, they might lead you to a malicious website where they can do further collection."

Sinabi niya na sa kasalukuyan ay sinisilip na ng NPC ang reports na nakukuha ng scammers ang contact information mula sa manual contact tracing o health declaration forms at sa iba pang apps.

Nakapag-isyu na aniya ang NPC ng halos 58 compliance and warning letters sa mga local government units para matiyak ang maayos na paghawak sa personal data ng kanilang mga nasasakupan.

PAANO MAKAKAWAS SA SMISHING?

Paalala ni Liboro, kahit na ang mga establisiyemento ang may responsibilidad para maingatan ang personal data, ang "first line of defense" ay nasa publiko pa rin.

Continue reading below ↓

Aniya, "Gusto nating magtiwala ang mga kababayan natin sa convenience na dala ng digital, pero pagtulung-tulungan po natin na panatilihin pong safe itong bagong environment natin."

Para makaiwas sa ganitong mga scams, naririto ang ilang tips:

Huwag i-click ang mga links ng mga services na hindi naman kayo nag-sign up.

Huwag i-click ang shortened links mula sa unknown numbers dahil posibleng mayroon itong malicious links.

Huwag i-encode ang inyong personal or financial information sa mga online forms.

Huwag i-open ang mga in-app links. Gamitin ang default browser ng inyong mobile phone na nag-o-open ng links.

Agad na i-block o i-report sa mga awtoridad ang unsolicited text messages na gumagamit ng built-in spam feature sa inyong SMS apps.

I-disable ang link previews sa inyong SMS app.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Panibagong taktika ng scammers ang smishing kung saan nagpapanggap ang mga ito na bank representatives para manakaw ang inyong bank details.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results