Lagundi, mabisa para sa COVID-19 patients na nawalan ng panlasa at pang-amoy

by KC Cordero
Oct 27, 2021
Natuklasan sa pag-aaral ng Department of Science and Technology na nalulunasan ng lagundi ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa ng COVID-19 patients.

Ang Pilipinas ang nagsimula ng pag-aaral tungkol sa lagundi bilang therapeutic supplement para sa mild symptoms ng COVID-19.

Nakatutulong ang lagundi para mabawasan ang anosmia, isa sa mga napaulat na sintomas ng COVID-19.

Lagundi plant heals anosmia

Ang anosmia ay ang pagkawala o pagbabago sa panlasa at pang-amoy ng mga pasyenteng may COVID-19.

Nagsagawa ang Department of Science and Technology ng two-stage study kung saan ang 100 healthy adults na may mild COVID-19 ay binigyan ng 600mg ng lagundi tablet o syrup tatlong beses sa isang araw sa loob ng 10 araw.

Continue reading below ↓

Isa pang grupo ng 100 healthy adults na may mild COVID-19 ang binigyan naman ng placebo pills.

EPEKTO NG LAGUNDI BASE SA STUDY

Bagaman at walang masyadong pagkakaiba sa recovery time sa pagitan ng dalawang grupo, natuklasan ng mga researchers na ang mga pasyenteng pinainom ng lagundi ay mas mabilis na nagbalik ang panlasa at pang-amoy.

Ayon kay Dr. Cecilia Maramba-Lazarte, direktor ng National Institutes of Health-Institute of Herbal Medicine, "In terms of symptoms, there was faster relief of symptoms for anosmia and several of other symptoms.

"Usually by day four and eight, mas mababa na ang symptoms na nakikita sa lagundi group."

Dagdag pa niya, napagagaan din ng lagundi ang iba pang mild COVID-19 symptoms.

"There was really a trend for having lower scores. Meaning, mas naginhawahan sila for cough, feverishness, sore throat."

Ito rin ang naging obserbasyon ni Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) executive director Dr. Jaime Montoya. "Mas maganda ang nangyari sa binigyan ng lagundi.

“Yung pagkawala ng pang-amoy, kung iisahin ang sintomas, kapag tiningnan ang pagkawala ng amoy, malaki ang diperensya. Mas marami ang agad gumaling, bumalik ang pang amoy kaysa hindi binigyan ng lagundi."

LAGUNDI, KASAMA NA SA HOME-CARE KIT PARA SA COVID-19 PATIENTS

Sinabi ni Dr. Maramba-Lazarte na bahagi na ngayon ang lagundi sa home-care kit para sa COVID-19 patients ng Department of Health.

Ipinaliwanag din niya na naisip nilang subukan ang lagundi para sa COVID-19 dahil sa multi-targeted approach nito.

Ayon sa doktor, “There are constituents or compounds that are good for respiratory tract symptoms. We use it for coughs of non-bacterial origin.

"It has constituents that are anti-inflammatory, and there are several computational researchers which show it has good affinity for several target sites of SARS-Cov2, specifically COVID-19 virus."

lagundi leaves cures loss of smell and taste of COVID-19 patients

Continue reading below ↓

Nilinaw naman ni Dr. Montoya na ang lagundi ay supplemental treatment lang, kasama ng iba pang gamot at proseso para sa COVID-19 patients.

Hindi pa napatutunayan na kaya nitong pigilan ang infection, pero makatutulong ito para mapagaan ang mga sintomas at mapigilan ang paglala ng sakit.

Sa Pilipinas, aprubado na ang lagundi bilang herbal medicine para sa ubo at hika.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natuklasan sa pag-aaral ng Department of Science and Technology na nalulunasan ng lagundi ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa ng COVID-19 patients.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results