LTO sinimulan na ang pag-iisyu ng driver’s license na may 10-year validity

by KC Cordero
Oct 28, 2021
Ang mga motorista na walang paglabag sa batas trapiko ang tanging maiisyuhan ng lisensiya na valid for 10 years; sa mga may violations, ang lisensiya ay valid for five years.

Sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO) nitong October 28, 2021 ang pag-iisyu ng driver’s license na may ten-year validity.

Gayunpaman, ang maiisyuhan lang ng lisensya na valid for 10 years ay ang mga motorista na walang naging paglabag sa batas trapiko, batay sa file ng LTO.

Ang may mga traffic violations ay mabibigyan ng license na may five-year validity.

Driver's license with 10-year validity

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ng LTO na ang mga motorista na magre-renew ng kanilang lisensiya ay kailangan munang pumasa sa comprehensive driver's education (CDE) program bago magsumite ng application.

"Ito'y para sa mga magre-renew ng kanilang lisensiya, professional man o non-professional. Nire-require ito ng batas na ang magre-renew kailangang dumaan sa parang refresher seminar," ayon kay LTO chief Edgar Galvante.

Para naman mabigyan ang mga motorista ng panahon na makumpleto ang kanilang CDE requirement, pinalawig ng LTO ng dalawang buwan mula sa date of expiration ang validity ng kanilang mga lisensiya.

Payo ni Galvante sa mga magre-renew, “Yung mga due na magre-renew niyan, huwag muna sila magpunta sa LTO kung hindi pa nila nakakamit yung certificate na nagpapatunay na nagtapos na sila nung seminar na iyon."

Ang CDE ay libre sa lahat ng tanggapan ng LTO, maging sa website, Facebook page, at YouTube channel nito.

Ang actual exam ay isasagawa naman sa Land Transportation Management System portal, at sa ilang opisina ng LTO.

Ang CDE at exam ay maaari ring gawin sa mga accredited driving schools ng LTO nang may bayad.

Samantala, sa mga hindi makakapasa sa exam, maaari namang mag-retake ng seminar.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga motorista na walang paglabag sa batas trapiko ang tanging maiisyuhan ng lisensiya na valid for 10 years; sa mga may violations, ang lisensiya ay valid for five years.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results