Sali na sa #LightRailTourism photo contest ng LRT-1

by KC Cordero
Nov 4, 2021
Naglunsad ang LRT-1 ng #LightRailTourism photo contest bilang suporta sa unti-unting pagbubukas at pagpapasigla ng local tourism sa Metro Manila.

Handa ka na bang sumali sa isang photo challenge?

Inilunsad ng LRT-1, ang private operator ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang #LightRailTourism, isang photo contest para suportahan ang unti-unting pagbangon ng lokal na turismo sa Metro Manila.

Ayon kay Jacqueline Gorospe, LRMC Head of Corporate Communications and Customer Relations, “We invite the LRT-1 community to help us share the best of Metro Manila, and inspire people through photos that communicate hope visually.”

Puwedeng mag-share ang kahit sino ng snapshots ng “interesting” o kaya ay “unique spots” sa Kamaynilaan.

LRT-1 photo contest

Continue reading below ↓

Maaaring pumili sa tatlong kategorya: #LRT1Mamasyal para sa mga pasyalan at magagandang tanawin; #LRT1MagFoodTrip para sa masasarap at katakam-takam na pagkain sa NCR; #LRT1MagShopping para sa best bargains and finds mula sa iba’t ibang pamilihan.

I-upload ang photo sa inyong personal Facebook account at lagyan ito ng caption. Huwag kalimutang isama ang hashtags na #LightRailTourism, #ikotMNL, #LRT1, at ang hashtag ng napiling kategorya.

Ilagay rin ang lokasyon at i-tag ang Facebook page ng LRMC. Siguraduhin lang na naka-public ang inyong post.

Maaaring mag-upload ng kahit ilang photos ang mga lalahok hanggang November 15, 2021.

LRT-1 photo contest

Ang photo na may pinakamaraming “likes” ay mananalo ng Huawei Nova 8i smartphone at ng limited edition ikotMNL beep card na may PHP1,000 load.

Ang bawat isang photo naman mula sa tatlong kategorya na may pinakamaraming likes ay mananalo rin ng PHP5,000 worth of gift certificates.

Ihahayag ang mga nanalo sa LRMC Facebook page.

Dagdag ni Gorospe tungkol sa inilunsad na contest, “We all have dealt with uncertainty and changing times the past year. As our country begins to open up again, it is important to be reminded of the good things around us that we can once again explore, discover, and celebrate.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglunsad ang LRT-1 ng #LightRailTourism photo contest bilang suporta sa unti-unting pagbubukas at pagpapasigla ng local tourism sa Metro Manila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results