DOST says VCO, lagundi effective in easing mild COVID-19 symptoms

Nov 6, 2021
VCO
DOST study shows virgin coconut oil and lagundi can be used as adjunct supplement in treating mild COVID-19 symptoms.
PHOTO/S: ABS-CBN News

Lumabas sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST) na nakakatulong ang virgin coconut oil (VCO) para mabawasan ang sintomas sa mga mild COVID-19 patients.

Ayon kay Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, director ng DOST-FNRI (Food and Nutrion Research Institute), inirerekomenda na ring gamitin ang VCO bilang adjunct supplement kontra COVID-19 dahil may taglay itong anti-viral properties.

Sabi ng doktor sa ulat ng ABS-CBN News nitong November 1, 2021, "It really had diminished the signs and symptoms as early as two days for those patients who were given VCO as compared to those patients without the VCO.”

Patuloy naman ang pag-aaral ng DOST kung makakatulong ang VCO sa mga na-ospital na COVID-19 patients.

Sinusuportahan din ng DOST ang findings na nababasawan ang COVID-19 symptoms sa pamamagitan ng pag-inom ng lagundi.

Ayon naman kay Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), may significant difference sa pagitan ng mga COVID-19 patients na uminom at hindi uminom ng lagundi.

Continue reading below ↓

Aniya, “Yung pagkawala ng pang-amoy, ito po’y nakitang malaking diperensiya o pagkakaiba.

“Mas marami po ang kaagad na gumaling o nanumbalik po yung pang-amoy doon sa mga binigyan ng lagundi, kumpara sa mga hindi binigyan ng lagundi.

Plano na ngayon ng DOST na makipag-ugnayan sa Department of Health at Food and Drug Administration na isulong ang VCO at lagundi bilang supplement sa mga COVID-19 patients.

Ani DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevara, “Ano yung kasunod na kailangang gawin para puwede nating ipaintindi iyan sa DOH na ito ay part ng standard of care?

"Ang susunod na plano ng DOST ay pag-aralan ang anti-viral study ng lagundi at VCO, pero kulang sa facility ang bansa."

Bagamat may kakulangan, maaari raw gawin ang next step na ito sa ibang bansa.

Sa tingin naman ng PCHRD official ay hindi ito matatagalan “dahil ito po ay aprubado na.”

Sabi pa ni Montoya, “Na-evaluate na ito ng FDA. Titingnan lang nila yung new indications o yung mga iba pang gamit para dito sa dalawang food supplements na VCO at dito sa herbal medicine na lagundi.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DOST study shows virgin coconut oil and lagundi can be used as adjunct supplement in treating mild COVID-19 symptoms.
PHOTO/S: ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results