Residente ng Maynila, nagpaalam na sa face shields

by KC Cordero
Nov 8, 2021
City of Manila removes face shield requirement
Nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ngayong November 8, 2021 ang Executive Order No. 42 na nagdedeklara na mandatory na lang ang pagsusuot ng face shields sa mga hospital, medical clinics at iba pang medical facilities sa kanilang lungsod.

Hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa lungsod ng Maynila.

Ito ay matapos lagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ngayong November 8, 2021, ang Executive Order No. 42 na nagdedeklara na mandatory na lang ang pagsusuot ng face shields sa mga hospital, medical clinics, at iba pang medical facilities.

Agad na rin itong ipatutupad.

Ayon kay Mayor Isko, "Yung inyong mga kahilingan, mga sulat, at messages na pag-aralan mabuti yung paggamit ng face shield, dininig na po ng inyong lingkod.”

Dagdag pa niya, "Ang kailangan na lang nating gawin ay mag-face mask, para kahit paano, maibsan ang inyong gastusin araw-araw dahil sa face shield na yan."

City of Manila removes face shield requirement

Continue reading below ↓

Inatasan na rin ng tanggapan ng alkalde ang Bureau of Permit and Licenses Office, Manila Barangay Bureau, Manila Health Department, at ang mga hospital directors para sa information dissemination and strict implementation ng EO 42.

Agree ka ba kay Yorme?

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ngayong November 8, 2021 ang Executive Order No. 42 na nagdedeklara na mandatory na lang ang pagsusuot ng face shields sa mga hospital, medical clinics at iba pang medical facilities sa kanilang lungsod.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results