Search for young artist scholars sinimulan na ng Philippine High School for the Arts

by KC Cordero
Nov 12, 2021
PHSA begins search for SY 2022-2023 scholars
Ang ANSYAS ay isang scholarship program na hinahasa ang mga artistically gifted and talented children para maging mahuhusay na alagad ng sining sa mga larangan ng ballet and folk dance, creative writing, music, theater, at visual arts.

May talent ka ba sa arts?

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang paghahanap ng mga nagnanais na maging young artist scholars ng Philippine High School for the Arts (PHSA) para sa School Year 2022–2023.

Ang Annual Nationwide Search for Young Artist Scholars (ANSYAS) ay isang programa na naglalayong mahanap at ma-develop ang mga artistically gifted and talented children para maging mahuhusay na alagad ng sining sa mga larangan ng ballet and folk dance, creative writing, music, theater, at visual arts.

PHSA begins search for SY 2022-2023 scholars

Continue reading below ↓

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones sa press release na ipinamahagi ng kagawaran noong November 3, 2021, “We encourage every learner to be part of the continuing source of brilliant artists leaders in the preservation, conservation, and promotion of the Filipino artistic and cultural tradition.”

Dagdag pa niya, “We must enrich the appreciation of arts, culture, and literature in rounding out the scope of our basic education. The curricular content on culture and arts should be complemented with greater exposure to these as they are essential in critical thinking.”

Kabilang sa notable alumni ng eskuwelahan sina Shamaine Centenera-Buencamino, Raymond Red, Grace Nono, Nina Ricci Alagao, at Elijah Canlas.

SINU-SINO ANG QUALIFIED PARA SA ANSYAS?

Para maging qualified sa nasabing scholarship program, ang applicant ay dapat na:

  1. Filipino citizen na may “outstanding ability” sa dance (folk or ballet), music (instrument and voice), creative writing, theater, at visual arts;
  2. Grade Six pupil ngayong SY 2021–2022 sa public o private school;
  3. Hindi lalampas sa 13 taong gulang sa pagbubukas ng SY 2022–2023 sa August 2022;
  4. Mahusay sa pagsasalita at pagsusulat sa wikang English at Filipino;
  5. May malusog na pangangatawan
  6. Handang mag-aral sa boarding school.

ANU-ANO ANG MGA PRIBILEHIYONG MATATANGGAP?

Ang mga mapipiling applicant ay tatanggap ng full scholarship, kasama ang free tuition fee, board and lodging, buwanang allowance, at individualized classes mula sa mga master teachers. May tsansa rin silang maging kinatawan ng Pilipinas sa international competitions, arts festivals, at exchange programs.

Bukod pa rito, ang scholarship ay renewable kada taon matapos makumpleto ang academic and non-academic requirements para sa K-to-12 Curriculum.

MGA REQUIREMENTS PARA SA APPLICATION

Ang mga sumusunod na dokumento ay dapat na matanggap ng Search Committee para sa preliminary evaluation ng scholarship applications:

  1. Fully accomplished PHSA Scholarship Application Form na maaring i-download dito;
  2. Photocopy ng birth certificate na inisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA);
  3. Photocopy ng Grade V o Grade VI report card;
  4. Isang (1) pahinang resume na binabanggit ang mga naging accomplishments sa art field of interest;
  5. Creative Writing: Sampung (10) samples ng akda (e.g. short story, poem, essay) sa Filipino at/o English. Kailangang makinilyado o encoded, double-spaced sa A4 white bond paper, at may patunay ng teacher-in-charge.
  6. Visual Arts: Sampung (10) imahe ng artworks (jpeg format) at naka-save sa CD o DVD.
Continue reading below ↓

Ang official records at iba pang dokumento ay hindi na ibabalik sa applicant. Huwag magsumite ng mga orihinal na kopya kung hindi naman itinatakda.

Ipadala ang fully accomplished scholarship forms at iba pang requirements sa:

The Annual Nationwide Search for Young Arts Scholars (ANSYAS)

Philippine High School for the Arts

National Arts Center, Mt. Makiling, College 4031, Laguna

Ang deadline ng submission ay sa November 15, 2021.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa tanggapan ng ANSYAS Committee sa 0917-866-3097.

Maaari ring tumawag sa (049) 572-2974 at (049) 572-2973.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang ANSYAS ay isang scholarship program na hinahasa ang mga artistically gifted and talented children para maging mahuhusay na alagad ng sining sa mga larangan ng ballet and folk dance, creative writing, music, theater, at visual arts.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results