Gusto mong magtanim ng gulay sa bahay? Magsadya sa City Demo Farm sa Muntinlupa

by KC Cordero
Nov 19, 2021
Muntinlupa City's City Demo Farm
Inilunsad noong November 11, 2021 sa Muntinlupa City ang City Demo Farm, kauna-unahang LGU-operated intensive hydroponics system sa Metro Manila. Naglalayon itong maturuan ang publiko ng alternatibong paraan ng pagtatanim ng gulay.

Hindi na magiging imposible ang magkaroon ng gulayan sa lungsod.

Sa katunayan, sa malapit na hinaharap, ang mga taga-Muntinlupa City ay maaaring magkaroon na ng sariling pagkukunan ng sariwang lettuce at iba pang gulay.

Ito ay matapos ilunsad noong November 11, 2021 ang City Demo Farm sa Muntinlupa Sports Complex, na matatagpuan sa Barangay Tunasan. Ito ang kauna-unahang Local Government Unit (LGU)-operated intensive hydroponics system sa Metro Manila.

Inside of City Demo Farm

Continue reading below ↓

Proyekto ito ng Muntinlupa LGU, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture Extension Services Office (DA-ESO).

Ayon sa Muntinlupa Public Information Office (PIO) noong November 11, “Ang Department of Agriculture Extension Services Office sa pamumuno ni Ms. Malou Lobo at City Government of Muntinlupa, ay nagsagawa ng inauguration ng ating City Demo Farm.

“Ito ay ang ating learning site kung saan pwedeng bumisita, matuto, at magsagawa ng research ang mga Munti farmers na gustong matuto ng iba't ibang teknolohiyang pang-agrikultura.”

IBA’T IBANG AGRICULTURAL SYSTEMS, ITINAMPOK

Ang City Demo Farm ay binubuo ng iba’t ibang agricultural systems, gaya ng edible landscaping, herb garden, at seedling nursery.

Ang edible landscaping area nito ay may organic vegetables, fruits, herbs, and medicinal plants. Ang pasilidad ay itinayo katuwang ang University of the Philippines Los Baños (UPLB) edible landscaping team.

Ginagamit ang edible plants tulad ng mga prutas at gulay sa pagdidisenyo ng landscaping. Puwede itong gayahin ng mga plantita at plantito sa kanilang bahay, at maaari ring gawin sa malls, condominiums, at iba pa.

City Demo Farm's herb garden

Mga medicinal at culinary herbs na high value naman ang inaalagaan sa herb garden.

City Demo Farm's seedling nursery

Continue reading below ↓

Sa seedling nursery ipinupunla ang mga binhi upang tumubo at mai-transplant sa tamang taniman o kaya naman ay ipinamamahagi sa mga nais magtanim.

City Demo Farm's mushroom house

Mayroon ding mushroom house kung saan inaalagaan ang edible mushrooms na puwedeng pagkakitaan ng magtatanim.

ALTERNATIBONG PARAAN NG PAGTATANIM

Dagdag na feature ng City Demo Farm ang simple nutrient addition program (SNAP) hydroponics, at nutrient film technique (NFT) hydroponics.

Continue reading below ↓

Ang SNAP hydroponics alternative system ay ang pagpapalaki ng halaman nang walang lupa. Inilalagay ang halaman, halimbawa ay sa plastic bottle, at nilalagyan ng nutrient solution para maging normal ang paglaki nito.

City Demo Farm's SNAP hydroponic system

Ayon sa Muntinlupa PIO, “Ang SNAP Hydroponics ay sistemang ibinigay sa atin ng Department of Science and Technology sa ilalim ng kanilang ‘Gulayan sa Pamayanan Program.’

Continue reading below ↓

“Madali itong gayahin ng mga kliyente upang sila ay makapagsimula ng kanilang sariling hydroponics system.

“Sa NFT hydroponics, tayo ay gumagamit ng iba't ibang equipment upang maipaikot ang nutrient solution sa lahat ng halaman hanggang sa paglaki at pag-ani nito.”

Ang SNAP hydroponics ay maaaring gayahin ng maliliit na komunidad na may open spaces.

City Demo Farm's NFT hydroponics system

Continue reading below ↓

Samantala, ang NFT hydroponics ay mas malaking system project na kayang mag-produce ng 2,000 lettuce heads kada ani.

OPEN SA PUBLIKO

Plano ng Muntinlupa City na mas pasiglahin pa ang urban agriculture at urban farming ng lungsod.

Nakipag-ugnayan na rin ang lungsod sa DoST at sa UP Institute of Plant Breeding para sanayin ang mga residente at komunidad sa hydroponics farming technology.

Ang City Demo Farm ay bukas sa publiko na nais mag-research para sa agricultural technologies and harvesting methods.

Para sa mga interesado, bisitahin ang DA-ESO Facebook page o magpunta sa 5th Floor, Annex Building, City Government of Muntinlupa.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilunsad noong November 11, 2021 sa Muntinlupa City ang City Demo Farm, kauna-unahang LGU-operated intensive hydroponics system sa Metro Manila. Naglalayon itong maturuan ang publiko ng alternatibong paraan ng pagtatanim ng gulay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results