ALAMIN: Paano i-check ang PAG-IBIG Fund contributions?

by Arianne Merez KC Cordero
Nov 23, 2021
PAG-IBIG Fund main office building
Mahalaga para sa isang empleyado ang pagiging member ng PAG-IBIG dahil ang savings na inilalagak dito ay puwedeng magamit kapag siya ay nag-retire na, kung sakaling magkaroon ng permanent disability o pumanaw.

Isa sa mga employment requirements sa ating bansa ang pagiging member ng PAG-IBIG fund.

Bahagi ito ng social welfare services ng pamahalaan kasama ng Social Security System (SSS) at PhilHealth.

Mahalaga sa isang empleyado ang pagiging member ng PAG-IBIG dahil ang savings na inilalagak dito ay puwedeng magamit kapag siya ay nag-retire na, kung sakaling magkaroon ng permanent disability o pumanaw.

PAG-IBIG Fund poster

Continue reading below ↓

Nagkakaloob din ang PAG-IBIG ng pautang para magkaroon ang mga karaniwang Pinoy ng kanilang sariling tahanan.

Para sa mga employed, awtomatikong kinakaltas ang kanilang PAG-IBIG contributions mula sa buwanang suweldo. Nagkakahalaga ito ng PHP100.

Maaari namang magbayad ng sariling kontribusyon ang mga freelancers at self-employed individuals.

Kung gusto ninyong malaman kung ang buwanang kaltas na PHP100 mula sa inyong suweldo ay talagang napupunta sa inyong PAG-IBIG fund, naririto ang mga paraan kung paano matse- check ang inyong contributions:

Virtual PAG-IBIG

Ang virtual PAG-IBIG ay isang online facility ng PAG-IBIG kung saan makikita ng mga miyembro ang kanilang regular savings records, at maging ang annual dividends na kinita nito.

Mag-register lang sa link na ito: https://www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig/.

PAG-IBIG Hotline

Maaari kayong mag-inquire tungkol sa inyong PAG-IBIG contributions sa pamamagitan ng call-center hotline nito.

Tumawag lang sa (02) 8724-4244. Bukas ang linya mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

E-mail inquiry

Tumatanggap din ang PAG-IBIG ng inquiries sa pamamagitan ng kanilang official e-mail address na: contactus@pagibigfund.gov.ph.

Kung mag-i-inquire tungkol sa inyong contributions, ilagay ang inyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, at record ng employers.

Magpunta sa alinmang PAG-IBIG branch

Kung kailangan naman ninyong may makausap na PAG-IBIG staff, maaaring magpunta sa alinmang PAG-IBIG branch para mag-inquire tungkol sa inyong contributions.

Ipinaaalala naman ng pamunuan ng PAG-IBIG Fund na libre ang membership registration. Hindi naniningil ng anumang fees ang ahensiya para sa ganitong serbisyo.

This article was created by Reportr.world. Edits have been made by the PEP.ph editors.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahalaga para sa isang empleyado ang pagiging member ng PAG-IBIG dahil ang savings na inilalagak dito ay puwedeng magamit kapag siya ay nag-retire na, kung sakaling magkaroon ng permanent disability o pumanaw.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results