Enrollment, scholarship application ng estudyante, mas madali dahil sa national ID

by KC Cordero
Nov 30, 2021
Social media card from PSA
Isang estudyanteng nakatanggap na ng kanyang PhilSys ID ang umaasang mas magiging madali na para sa kanya ang paghahanap ng iba pa niyang documents and requirements sa hinaharap.

Malaki ang magiging pakinabang ng mga out-of-school youth sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), magagamit nila ito kapag nag-enroll ulit sila sa hinaharap o nag-apply para sa scholarships.

Sa tala ng PSA, ang Pilipinas ay may halos 7 milyon na out-of-school youth, at karamihan sa mga ito ay walang valid ID o mga dokumento.

Ngayong ipinatutupad na ang PhilSys, may pagkakataon na ang mga ito na magkaroon ng Philippine Identification (PhilID) card o ang national ID, na tinatanggap bilang valid document ayon sa itinatakda ng batas.

“Aside from being free, it has a lifetime validity which individuals can forever use in various transactions,” ayon sa PSA.

Social media card from PSA

Continue reading below ↓

Sa isang post sa official Facebook page ng PSA noong November 5, 2021, ibinahagi ang naging karanasan ng isang estudyante na nakatanggap na ng kanyang PhilID.

Saad nito, “Bago matanggap ang kanyang PhilID, nahirapan si 17-year-old PhilSys registrant John Quiel Peregrino sa ilang transactions dahil sa kakulangan ng valid ID.

“Ngayon, bilang estudyante na mayroon nang valid proof of identity sa pamamagitan ng Philippine Identification System, mas mapapadali na ang pagfi-fill up niya ng forms para sa hinaharap.”

BIRTH CERTIFICATE AT BARANGAY CERTIFICATE, TINATANGGAP SA REGISTRATION CENTERS

Ipinaalala rin ng PSA sa mga magpaparehistro para sa PhilSys ID na kung walang valid IDs, tatanggapin sa mga registration centers ang birth certificate na authenticated ng PSA o ng local civil registrar.

National ID registration center

Continue reading below ↓

Tinatanggap din ang barangay certificate na may nakalagay ng address at larawan ng magpaparehistro.

Hanggang nitong October 2021, umabot na sa 40 milyong Pilipino ang nakakumpleto na ng registration process.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang estudyanteng nakatanggap na ng kanyang PhilSys ID ang umaasang mas magiging madali na para sa kanya ang paghahanap ng iba pa niyang documents and requirements sa hinaharap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results