Mahinang pagputok ng Mt. Pinatubo nagdulot ng pangamba sa mga Pinoy

by Jojo Gabinete
Nov 30, 2021
mt. pinatubo phreatic eruption
DOST-PHIVOLCS: "Based on visual reports of an eruption plume and seismic, infrasound and satellite detection, DOST-PHIVOLCS confirms that a phreatic eruption occurred at Pinatubo Crater between 12:09 and 12:13PM."
PHOTO/S: DOST / Phivolcs

Bukod sa banta ng Omicron variant ng COVID-19, naghatid ng pangamba sa mga Pilipino, lalo na sa mga naninirahan sa Central Luzon, ang balita tungkol sa phreatic eruption o mahinang pagsabog ng Mt. Pinatubo nitong Martes ng tanghali, November 30.

Kinumpirma ito ng DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong ala-sais ng gabi.

May dahilan para mangamba ang mga Pilipino dahil sariwa pa sa isip ng karamihan ang malakas na pagsabog ng Mt. Pinatubo na naramdaman sa buong mundo noong June 15, 1991.

Iyon ang itinuturing bilang pangalawa sa pinakamalaking pagputok ng bulkan noong ika-20 siglo pagkatapos ng pagsabog noong 1912 ng Novarupta Volcano sa Alaska.

Nangyayari ang phreatic eruption kapag pinainit ng magma, lava, mainit na bato o mga bagong deposito ng bulkan ang tubig sa ibabaw o ilalim ng lupa.

Ang matinding init ng mga nasabing materyal ang puwedeng dahilan ng pagkulo ng tubig na nagdudulot ng pagsabog ng tubig, abo, at mga bloke.

Continue reading below ↓

Ang naganap na phreatic eruption ng Mt. Pinatubo ang dahilan kaya nagbabala ang DOST-PHIVOLCS sa publiko na maging handa, mapagmasid, at huwag lalapit sa paligid ng Mount Pinatubo para makaiwas sa panganib.

Ito ang kabuuang pahayag ng DOST-PHIVOLCS tungkol sa phreatic eruption ng bulkan:

"Based on visual reports of an eruption plume and seismic, infrasound and satellite detection, DOST-PHIVOLCS confirms that a phreatic eruption occurred at Pinatubo Crater between 12:09 and 12:13PM.

"The event was also confirmed to have occurred after ordinance disposal activities by the AFP, which has no relation to the condition of the volcano, on the northern flanks of Pinatubo conducted prior noon today.

"So far, there have been no reports of ashfall from communities of Zambales over which the eruption plume dispersed.

"Considering that there has been very low seismic activity in the volcano in the past days and low diffuse volcanic CO2 flux measured at Pinatubo Crater Lake, and high infrasound over seismic energy released by the eruption, the event was likely driven by shallow hydrothermal processes beneath the edifice.

Continue reading below ↓

"DOST-PHIVOLCS is cautioning the public to refrain from venturing in the vicinities of Pinatubo Volcano at this time.

"Local government units are advised to prohibit entry into Pinatubo Crater as shallow phreatic or hydrothermal explosions such as the event of today can occur without warning.

"Communities and local government units surrounding Pinatubo are reminded to be always prepared for both earthquake and volcanic hazards and to review, prepare and strengthen their contingency, emergency and other disaster preparedness plans.

"DOST-PHIVOLCS continues to strengthen its monitoring of the volcano with ongoing upgrades to the PVN, periodic geochemical surveys of the Pinatubo Crater lake and GPS and satellite analysis of ground deformation.

"The prevailing Alert Level 0 status of the volcano is currently under consideration pending the results of ongoing GPS and InSAR data processing. DOST-PHIVOLCS is closely monitoring the volcano’s condition and any new development will be relayed to all concerned.”

Ang pagsabog ng Mt. Pinatubo noong June 15, 1991 ang inspirasyon ng kuwento ng Apoy sa Puso, ang 1992 movie ng Viva Films na pinagbidahan nina Ricky Davao, Gary Estrada, Gelli de Belen, at Dawn Zulueta.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DOST-PHIVOLCS: "Based on visual reports of an eruption plume and seismic, infrasound and satellite detection, DOST-PHIVOLCS confirms that a phreatic eruption occurred at Pinatubo Crater between 12:09 and 12:13PM."
PHOTO/S: DOST / Phivolcs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results