15K local and overseas job opportunities, handog sa 88th founding anniversary ng DOLE

by KC Cordero
Dec 8, 2021
DOLE's announcement of job fairs in line with the agency's 88 founding anniversary.
Iniimbitahan ng DOLE ang mga walang trabaho na samantalahin ang 15,569 local and overseas job opportunities sa isasagawang hybrid job fairs na lalahukan ng 224 employers sa buong bansa.

Nasa 15,000 local and overseas job opportunities ang naghihintay para sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng 88th founding anniversary ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Job applicant

Iniimbitahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga nawalan ng hanapbuhay at maging ang mga kasalukuyang naghahanap ng trabaho na samantalahin ang 15,569 local and overseas jobs sa isasagawang hybrid job fairs na lalahukan ng 224 employers sa buong bansa.

Continue reading below ↓

Karamihan sa mga bakanteng trabaho ay nasa business process outsourcing, manufacturing, sales and distribution, accounting, and services sector, ayon kay Bello.

May kabuuang 12,598 local jobs para sa mga customer service representatives, production workers, sewers, sales associates, salesmen, office staff, helpers, and kitchen crew ang inio-offer ng 189 employers.

Job applicant

Umaabot naman sa 2,971 overseas jobs sa Kingdom of Saudi Arabia, United Kingdom, Germany, Japan, Kuwait, at Qatar ang iniaalok ng 35 recruitment agencies.

Continue reading below ↓

Karamihan sa mga bakanteng posisyon ay para sa mga registered nurses, bakers, auto mechanics, household service workers, at kitchen crew.

LIMITED FACE-TO-FACE AND ONLINE JOB FAIRS

Magsasagawa ng kumbinasyon ng limited face-to-face and online job fairs sa National Capital Region, Bicol Region, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Sa Metro Manila, ang face-to-face job fair ay gaganapin sa DOLE Labor Governance Learning Center, San Jose Street, Intramuros, Manila sa December 6, 2021.

Ang mga aplikante na mas gusto ang online job fair ay kailangang mag-register sa JobQuestPH portal.

Sa Region 5, ang face-to-face job fair ay isasagawa sa 4F Ayala Mall Legazpi, Legazpi City, Albay sa December 8, samantalang ang online job seekers ay maaaring magparehistro sa https://www.workbank.com/, ang online platform partner ng DOLE Bicol Region.

Para sa mga taga-Region 7, isasagawa ang job fair sa SM City Cebu, Mabolo, Cebu City sa December 6-8, habang ang mga nais mag-apply online ay kailangang magparehistro sa https://www.workbank.com/, ang online platform partner ng DOLE Regional Office.

Continue reading below ↓

Sa Region 9, isasagawa ang job fair sa KCC Mall de Zamboanga sa Zamboanga City sa December 8. Maaari ring magparehistro ang mga jobseekers sa online platform na DOLE IX Job Fair System sa December 8-10.

ANG LIMITED FACE-TO-FACE JOB FAIRS AY ISASAGAWA SA 11 SITES:

  • Cordillera Administrative Region: Skyzone Area, Porta Vaga Mall, Baguio City (December 8)
  • Ilocos Region: Pangasinan Provincial PESO, Capitol Complex, Alviar St. East, Lingayen, Pangasinan (December 8)
  • Cagayan Valley Region: Malvar, Santiago City (December 8)
  • Central Luzon Region: Bulacan Polytechnic College, Malolos City, Bulacan (December 8)
  • MIMAROPA: Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Compound, Calapan City, Oriental Mindoro (December 13)
  • Western Visayas: SM Iloilo, Iloilo City (December 8)
  • Eastern Visayas: Robinsons Mall, Marasbaras, Tacloban City (December 8)
  • Davao Region: New City Hall, Tagum City and Baranggay Gredu Covered Court, Panabo City (December 7)
  • SOCCSKSARGEN: KCC Mall of Gensan Convention and Events Center (December 8)
  • CARAGA: SM Butuan, Butuan City (December 8)
Continue reading below ↓

NARIRITO NAMAN ANG SCHEDULE NG VIRTUAL JOB FAIRS SA MGA REHIYON:

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iniimbitahan ng DOLE ang mga walang trabaho na samantalahin ang 15,569 local and overseas job opportunities sa isasagawang hybrid job fairs na lalahukan ng 224 employers sa buong bansa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results