Watch Now

Komiks, videos inilunsad para ma-achieve ang academic honesty sa distance learning

by KC Cordero
Jan 2, 2022
Comic books about honesty
Makatutulong ang mga komiks at videos sa learners para magkaroon ng academic honesty sa harap ng ipinatutupad ng DepEd na distance learning modality ngayon.

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) Regional Office sa Central Luzon ang information education and communication (IEC) materials nito na naglalayong mapalaganap ang katapatan sa pag-aaral (academic honesty) at mapangalagaan ang integridad ng mga learners.

Sinabi ni DepEd Regional Director May Eclar na ang IEC materials na kinabibilangan ng walong komiks at tatlong advocacy videos ay nakadisenyo para sa learners sa lahat ng grade levels.

Ipinamamahagi ito at ginagamit sa Region lll.

ACADEMIC HONESTY DAPAT MATUTUNAN NG LEARNERS AT PARENTS

Layunin din ng IEC materials na matulungan ang mga learners at ang kanilang mga magulang na maunawaan ang kahalagahan ng academic honesty sa harap ng ipinatutupad ng DepEd na distance learning modality ngayon.

Ang mga titulo ng mga komiks na sinulat at idinibuho ng School Divisions Office-Zambales ay:

  • Kring! Ang Kuwento nina Ian at Droid
  • Hindi Okey ang Online Kopyahan
  • Awit ni Taptap
  • Sina Mat, Tap, at Pat Mga Super-Estudyanteng Matapat
  • Ang Sagot sa Problema ni Caloy
  • Mali Pala ang Mangopya
  • Ang Sikreto ni Lito
  • Si Kara, Si Raya at ang Matapat na Bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Comic books about honesty

Comic books about honesty

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatalakay naman ng tatlong advocacy videos, na prinodyus ng San Fernando Elementary School SFESial TV Production Team, ang mga senaryo na nagpapakita sa isang estudyante na matapat na sinasagutan ang kanyang mga modules.

May eksena ring sinasabi ng isang parent sa anak na hindi maganda ang mag-cheating.

Isang teacher naman ang nagpapaliwanag sa mga parents kung paano kinu-compute ang marka ng mga learners sa ilalim ng distance learning modality.

Maaaring makita at ma-download ang mga komiks at videos sa official website ng DepEd Regional Office.

I-search lang ang link na ito: region3@deped.gov.ph.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makatutulong ang mga komiks at videos sa learners para magkaroon ng academic honesty sa harap ng ipinatutupad ng DepEd na distance learning modality ngayon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results