Passport application ng mga hindi pa bakunado, hindi ipoproseso ng DFA sa malls

by KC Cordero
Jan 5, 2022
DFA logo and Philippine passport
Ang mga hindi pa bakunadong indibidwal ay hindi maaaring mag-avail ng passport services sa DFA consular offices at Temporary Off-Site Passport Services nito sa mga malls na nasa ilalim ng Alert Level 3.

May anunsiyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Sa [ublic advisory nito na may petsang January 5, 2022, nakasaad dito na ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19 ay hindi maaaring mag-avail ng passport services sa mga consular offices ng ahensiya at maging sa Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) nito sa mga malls na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Maging ang mga menor de edad na hindi pa bakunado ay hindi rin ia-accommodate.

DFA advisory

Continue reading below ↓

Ayon pa sa ahensiya, hindi maaaring balewalain ng mga consular offices at TOPS ang ipinatutupad na security and health protocols ng mga malls.

Kaya para hindi maabala, alamin muna ang mga regulasyon ng mall kung saan sila may passport appoinment.

Ang mga apektadong aplikante ay maaari namang magpa-reschedule ng kanilang appointment kapag kumpleto na ang kanilang doses ng bakuna laban sa COVID-19, o kapag inalis na ng mga malls at local government units ang paghihigpit sa galaw ng mga hindi pa bakunado.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga hindi pa bakunadong indibidwal ay hindi maaaring mag-avail ng passport services sa DFA consular offices at Temporary Off-Site Passport Services nito sa mga malls na nasa ilalim ng Alert Level 3.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results