Ang muling paggulong ng skating sa Pilipinas; skaters, may apela

by KC Cordero Allison Estrella
Jan 13, 2022
Margielyn Didal holding a skateboard; at right is a roller skating enthusiast
Dahil sa muling pagsikat ng skating sa Pilipinas at nakapaghahatid ang sports ng medalya sa ating bansa, nananawagan ang local skating community, kabilang si 2021 Tokyo Olympian Margielyn Didal (L), sa pamahalaan na magpatayo ng maraming skating facilities.

Hindi madaling sport ang skateboarding, kaya masasabing hindi siya top of mind pagdating sa popularidad.

Wala ring public place na nakalaan sa kanila kaya kadalasan, nakatambay sila sa isang bakanteng lote o kalsada na hindi gaanong dinaraanan.

Ayon kay Adrian Duarte, admin ng Everywhere We Skate PH, may perception kasi ang mga tao na delikado ito.

“A lot of the institutions, a lot of places here in the Philippines are unaware of what roller skates are. And they always tag us as dangerous, and, in turn, don’t allow us in other spaces.”

Dagdag pa niya,“I think that kind of discrimination is stemmed from miseducation or lack of education roller sports as is.”

A roller skating enthusiast

Continue reading below ↓

SKATING "MAJOR DEAL" SA PILIPINAS NOONG DEKADA 90

Pero alam niyo bang patok ito sa mga Batang 90s?

"Major deal" ito, ayon kay Yams Versoza, ang admin ng Eastsider Rollerskater.

Pero dahil ang mga kabataan noon ay nag-i-skating sa mga kalye at maging sa mga highways, nagiging sanhi ito ng mga aksidente.

Dahil doon, ipinagbawal ang inline skating at maging ang rollerblading, kaya unti-unting nawala ang mga skater-friendly locations.

Ani Yams, “Ang problema pa kasi, we have a lack of facilities, skate parks, open spaces, and safe spaces for skaters.

“Kaya nagkakaroon din ng problema na hindi nabibigyan ng chance makapag-skate yung ibang mga kabataan.”

SKATING SUMIKAT MULI SA PILIPINAS NANG MAGKAPANDEMYA

Sa panahon ng pandemya ay biglang naging popular muli ang roller skating.

Pagbabahagi ni Stephanie Ocampo, isa ring admin ng Eastsider Rollerskater, “It’s really fun when you skate outdoors and get the endorphins in, most especially right now we're in a pandemic and one's mental state is kinda low, so, roller skating really helps in that aspect."

Continue reading below ↓

Group photo of roller skating enthusiasts

Pakiramdam niya ay nawawala lahat ang kanyang problema sa tuwing mag-i-skate siya.

“And I just feel pure happiness when I glide, whether it’s trail skating, city skating, or even dancing on skates, that brings me a lot of joy in my life right now in this pandemic.”

Nabuo ang Eastsider Rollerskater mula sa umbrella organization na Everywhere We Skate PH.

Continue reading below ↓

Mayroon itong 500 miyembro nang magsimula. Sa kasalukuyan ay nasa 8,000 ang miyembro nito at patuloy pang nadadagdagan.

PILIPINAS KULANG SA SKATING FACILITIES

Nananatiling kapos ang Pilipinas sa skating facilities para sa local skating community.

Kinikilala naman ng ating pamahalaan ang local skating community bilang resulta ng mga international sporting events gaya ng Olympics kung saan kasama ang skating sa mga sport events.

Ani Yam, “I can say na hindi pa masyadong recognized ng government for the past decade [ang skating] until nagkaroon sa ASEAN Games, SEA games, at Olympics.

“Naging birth iyon for our Filipino [skate] culture, and the other countries to welcome the Philippines as a legit country na may mga magagaling na athletes, especially sa skateboarding—katulad ni Margielyn Didal.”

MARGIELYN DIDAL KAISA NG LOCAL SKATE COMMUNITY

Si Margielyn, ang Pinay street skateboarder, ay hindi pa kilala ng mga Filipino sports fans bago ang 2018 Asian Games kung saan nanalo siya ng gold medal sa women's street skateboarding

Continue reading below ↓

Itinuturing siya noon na “best-kept secret” ng national team.

Margielyn Didal at the 2020 Tokyo Olympics

Naglaro rin siya 2021 Tokyo Olympic Games, bagamat nabigong makasungkit ng medalya.

Kaisa si Margielyn ng buong local skate community sa paghiling sa gobyerno na magpatayo ng mga bagong skateparks sa ating bansa.

Matapos ang kanyang tagumpay sa 30th Southeast Asian Games noong 2019, naibulalas niya na, “Philippines, wake up po tayo! First day, first event natin we got three medals in one day. We need to wake up, we don't have a skatepark yet."

Continue reading below ↓

Ayon kay Yam, “Kitang-kita naman ng ibang tao na us, Filipinos, can do more if we support skateboarding.”

Dapat din aniyang suportahan ang roller skating.

“That’s why we need to have more skateparks kasi karamihan ng skate parks are privately owned.

“For that, I request our government to support skaters, to give us skate parks. That’s what we need.”

Dagdag pa niya, sa patuloy na paglaki ng skating community sa Pilipinas at nakapaghahatid ang sports ng medalya sa ating bansa, panahon na para suportahan sila ng pamahalaan.

Alamin ang iba pang kaganapan sa ating local skating sa Summit OG video na ito:

Roller skating is probably one of the most satisfying gifts from the 80s and 90s. And to cut to the chase, some things just don't wash out. Meet this group of roller skaters and find out why their thing is as important as basketball.
Video: Summit OG.

Subscribe to the channel here. Watch more OG videos here.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa muling pagsikat ng skating sa Pilipinas at nakapaghahatid ang sports ng medalya sa ating bansa, nananawagan ang local skating community, kabilang si 2021 Tokyo Olympian Margielyn Didal (L), sa pamahalaan na magpatayo ng maraming skating facilities.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results