Pilipinas, isa sa 8 countries na kasama sa travel ban ng Hong Kong

by KC Cordero
Jan 8, 2022
Photos of OFWs
Apektado ang mga overseas Filipino workers na nakatakdang bumalik sa kanilang trabaho sa Hong Kong sa mga petsang ipinatutupad ang travel ban.

Ipinagbawal ng pamahalaan ng Hong Kong ang pagpasok ng mga biyahero mula sa walong bansa kabilang ang Pilipinas.

Ito ay para maiwasang makaranas ito ng fifth wave ng COVID-19 infections dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Omicron variant sa iba’t ibang panig ng mundo.

Inianunsiyo ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam noong January 5, 2022 na hindi papayagan ang mga biyaheng galing Australia, Canada, France, India, Pakistan, Philippines, United Kingdom, at United States mula January 8-21.

Ayon kay Lam ay ang pagpapatupad ng travel ban ay bunsod ng mabilis na paglaganap ng Omicron, kumpara sa Delta.

Aniya, "My view is that given the very dire situation of the pandemic, we have to grasp this critical moment. We have to contain the pandemic to ensure there will not be a major outbreak in the community again."

Tinukoy rin ni Lam na karamihan sa mga “imported cases” ng Hong Kong ay nagmula sa mga bansang tinukoy.

Continue reading below ↓

Umaasa ito na dahil sa ipinatutupad na travel ban, mababawasan ang imported cases sa Hong Kong.

Paliwanag ni Lam, "The situation in Hong Kong is deteriorating. Without this measure, public health would be in jeopardy and our previous efforts would be in vain. We have to take this action."

Apektado naman ng kautusan ang mga overseas Filipino workers na nakatakdang bumalik sa kanilang trabaho sa Hong Kong sa mga petsang ipinatutupad ang travel ban.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apektado ang mga overseas Filipino workers na nakatakdang bumalik sa kanilang trabaho sa Hong Kong sa mga petsang ipinatutupad ang travel ban.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results