Libreng random antigen testing sa MRT-3 passengers, isasagawa hanggang January 30

by KC Cordero
Jan 11, 2022
Random passengers undergo rapid antigen testing
Ang libreng random antigen testing sa mga boluntaryong pasahero ay inisyatiba ng pamunuan ng MRT-3 bilang tugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sinimulan ngayong Martes, January 11, 2022, ang libreng random antigen testing para sa mga boluntaryong pasahero ng MRT-3 bilang tugon ng pamunuan nito sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

A random passenger undergoes rapid antigen testing

Ang random antigen testing ay isinasagawa sa mga istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue tuwing peak hours mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

Continue reading below ↓

Kailangang punan ng volunteer passenger ang consent form at contact tracing form bago ang random antigen testing.

Mga medical personnel mula sa South Superhighway Medical Center ang nagsasagawa ng antigen tests.

Kada istasyon ay kayang mag-test ng 12 pasahero kapag peak period, o 24 na pasahero sa isang araw.

Libreng makasasakay sa MRT-3 ang pasaherong papayag sa random antigen testing at magnenegatibo ang resulta sa test.

Sa oras namang magpositibo sa antigen testing ang pasahero, hindi na ito papasakayin sa tren at aabisuhan na kaagad mag-self-isolate at makipag-ugnayan sa kanyang local government unit (LGU) para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing.

Magtatagal hanggang January 31, 2022 ang random antigen testing, maliban sa mga araw ng Sabado at Linggo.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang libreng random antigen testing sa mga boluntaryong pasahero ay inisyatiba ng pamunuan ng MRT-3 bilang tugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results