Watch Now

Manila Mayor Isko Moreno nagdeklara ng 1-week health break sa public, private schools

by KC Cordero
Jan 13, 2022
Announcement of 1 week health break in Manila
Inaasahan ni Manila Mayor Isko Moreno na ang one-week health break sa public and private schools sa lungsod ay makakatulong para maka-recover, makapahinga, at mabawasan ang anxiety ng mga estudyante at mga guro sa lungsod.

Nagdeklara si Manila Mayor Isko Moreno ng isang linggong health break para sa lahat ng estudyante at faculty ng public and private school sa lungsod.

Ayon sa nilagdaan ni Domagoso na Executive Order No. 07 noong January 13, 2022, ito ay para mabigyan ang mga estudyante at mga guro ng pagkakataong makapagpahinga sa harap na patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, at makaiwas sa banta ng mas nakakahawang Omicron variant.

Announcement of 1 week health break in Manila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang noong January 13, ang Maynila ay may 3,680 active cases ng COVID-19.

Pahayag ng alkalde sa Manila Public Information Office official Facebook account, "The City of Manila is declaring no classes all levels, private and public school. This will be called a health break in the City of Manila."

Dagdag pa niya, "So, mayroon kayong one week na makapagpahinga, and, hopefully maka-recover yung mga estudyante nating infected and yung pamilya ng estudyante at yung magulang nila na infected rin, yung teacher na infected, at yung pamilya ng teacher."

Sa ilalim ng Executive Order No. 07, ang health break ay tatagal mula January 14 hanggang January 21, para sa online at physical classes.

Binigyang-diin ni Domagoso ang kahalagahan ng pagtutok sa tumataas na level ng pagkabalisa o anxiety ng publiko, at pangangalaga sa pangkabuuang kalusugan ng mga estudyante at mga guro sa lungsod.

Aniya, "Mataas po ang anxiety level ng mga magulang para sa kanilang mga anak, at ganoon rin yun anxiety level ng mga guro. Kaya ito ay ang pagtugon sa inyong sitwasyon ng pamahalang lungsod ng Maynila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaasahan ni Manila Mayor Isko Moreno na ang one-week health break sa public and private schools sa lungsod ay makakatulong para maka-recover, makapahinga, at mabawasan ang anxiety ng mga estudyante at mga guro sa lungsod.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results