Anu-ano mga dapat mong gawin kapag na-expose ka sa isang COVID-19 positive?

by Pia Regalado Translated by KC Cordero
Jan 14, 2022
Crowded area, people wearing face shields
Malaki ang posibilidad na ma-expose tayo sa taong COVID-19 positive dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso araw-araw at sa bilis ng pagkahawa sanhi ng Omicron variant.

Ngayong libu-libo na naman ang naitatalang kumpirmadong bagong kaso ng COVID-19, bukod pa sa mga hindi naitatala, malaki ang tsansang na-expose na kayo sa ibang taong taglay ang mapangib na virus.

Crowded area, people wearing face shields

Ano ang dapat niyong gawin kapag na-expose kayo?

Ayon kay Aileen Espina, isang doktor at miyembro ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, hindi dapat isipin ng publiko na ang kanilang symptoms ay flu lang o trangkaso.

Continue reading below ↓

"Yung ganitong pag-iisip po, 'yun po ang iiwasan natin sa ngayon po na sobrang dami ng kaso dito sa NCR at dumadami na rin po sa iba't ibang parte ng Pilipinas," aniya sa panayam sa kanya ng TeleRadyo noong January 13, 2022.

Dapat nga, aniya, ang nakakaramdam ng sintomas ay dapat agad mag-quarantine, at ma-test kung kinakailangan.

SINO NGA BA ANG "CLOSE CONTACT"?


Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga sinasabing “close contact” ay ang mga taong na-expose sa isang COVID-positive patient.

May tatlong klasipikasyon ang close contact: first, second, at third generation.

Ayon kay Doctor Espina, itinuturing na “first generation” ang close contact kung nagkaroon ito ng face-to-face contact sa isang probable or confirmed case nang wala pang isang metro (three feet), at nakipag-usap ito nang may mga 15 minuto o mahigit nang walang face mask, sa isang lugar na hindi maganda ang bentilasyon.

Itinuturing namang “second-generation” ang close contact kung na-expose siya sa first generation.

Continue reading below ↓

Ang na-expose naman sa second generation ang tinatawag na “third generation.”

Pinapayuhan ang tatlong ito na i-monitor ang kanilang mga sarili sakaling makaramdam ng mga symptoms.

KAILAN DAPAT MAG-QUARANTINE ANG ISANG CLOSE CONTACT?


Kung ang close contact ay nagkaroon ng sintomas, dapat siyang mag-quarantine agad, ayon kay Espina.

Dapat aniyang isipin na kahit anong sintomas, kahit pa gaano ka-mild, ay posibleng COVID-19.

"Kadalasan sa Pinoy pag may nararamdamang mild lang, pag keribels lang, di natin pinapansin. Nagbibigay tayo ng rason na 'baka napagod lang ako,'" aniya.

"Pag meron po kayong naramdamang sintomas na hindi niyo nararamdaman nung ibang araw, kahit gaano po siya ka-mild—pangangati ng lalamunan, pananakit ng katawan, sumakit ang ulo, namamalat—isipin nyo po agad, ‘Ako ba ay may COVID?’"

Ang fully-vaccinated close contact na nakakaramdam ng sintomas ay dapat mag-quarantine ng pitong araw.

Ang unang araw nang nakaranas siya ng sintomas ay “day zero.”

Ayon kay Espina, kung unang nakaramdam ng sintomas, halimbawa, noong January 12, kailangang mag-isolate hanggang January 19.

Continue reading below ↓

Ang mga hindi kumpleto ang COVID-19 vaccine, at lalo na ang hindi pa bakunado, kapag nagkaroon ng sintomas ay dapat mag-quarantine nang hanggang 10 araw, ayon pa kay Espina.

KAILAN DAPAT MAGPA-TEST ANG ISANG CLOSE CONTACT?

Ang mga close contact na walang sintomas ay kailangang maghintay munang ma-develop ang kanilang sintomas bago magpa-test, lalo na kung ang gagamitin ay antigen.

Mas mainam gamitin ang antigen tests sa mga may sintomas sa pagitan ng ikatlo o ikalimang araw na nakaramdam ng sintomas.

Paliwanag ni Doc Espina: "Ang antigen test po ay epektibo to detect the presence of the virus among people with symptoms.

“Mas mataas po ang tinatawag naming positive predictive value o kakayahan ng test na makapag-detect kung ikaw po ay may sintomas.

"Pero po kung negative kayo at meron kayong sintomas, huwag po kayong kumpiyansa," payo niya.

Kailangan aniyang mag-isolate at mag-monitor ng mga sintomas.

Kung ang close contact ay fully vaccinated, hindi itinuturing na high risk.

Kung walang sintomas pero nagpositibo sa COVID-19 gamit ang antigen tests, kailangang mag-isolate at sumailalim sa RT-PCR test para makumpirma.

Continue reading below ↓

PAANO ANG TAMANG PAG-QUARANTINE SA BAHAY?


Ang home quarantine ay pinapayagan sa mga confirmed COVID-19 patients na asymptomatic, o may mild symptoms lamang, kung masusunod ang mga requirements na itinakda ng DOH:

  1. May hiwalay na kuwarto sa bahay.
  2. May hiwalay na banyo.
  3. Maayos ang bentilasyon ng kuwarto.
  4. May maaaring mag-asikaso sa mga pangangailangan habang naka-quarantine.

Ayon sa WHO, ang mga taong may moderate to critical symptoms ay itinuturing na high risk. Hindi sila puwedeng payagan para sa home isolation.

Ang mga nakararanas ng mild symptoms, fully vaccinated, at hindi itinuturing na high-risk individuals, ay maaaring manatili sa kanilang bahay at maki-share ng toilet sa non-COVID patients.

Kailangan lang na mismong ang pasyente ang magdi-disinfect ng toilet pagkatapos niyang gamitin, ayon kay Espina.

Kung ang COVID-positive patient ay kailangang pumunta sa common area, ang ibang kasama niya sa bahay ay kailangang umalis muna sa nasabing area.

Payo pa ni Espina sa mga nagku-krus ang landas sa loob ng bahay: "Kundi po talaga mapigilan, puwede po tayong mag-mask sa loob ng bahay."

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang posibilidad na ma-expose tayo sa taong COVID-19 positive dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso araw-araw at sa bilis ng pagkahawa sanhi ng Omicron variant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results