DepEd announces academic break in NCR from January 15-22

by Bernie V. Franco and Pia Regalado
Jan 15, 2022
deped suspension of classes
The Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) released its "health break" memorandum for the well-being of students and teachers following the surge of COVID-19 cases in Metro Manila.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Kinansela ng Department of Education ang pasok sa mga eskuwelahan sa National Capital Region (DepEd-NCR) simula ngayong January 15 hanggang January 22, 2022.

Magre-resume ang mga klase sa January 24 hanggang 29 “on purely asynchronous distance learning modalities.”

Hinihikayat ang lahat ng mga guro at estudyante na manatili sa bahay para maiwasan ang pagkalat ng Omicron strain ng COVID-19 virus.

Ayon mismo ito sa memorandum na inilabas ng DepEd-NCR nitong Biyernes, January 14, 2022.

Lumabas ang kopya ng memorandum sa social media at sa news media outlets.

Layon ng desisyong ito ng DepEd-NCR “to ease the health burden caused by the surge of Covid-19 cases to the physical and mental well-being of the school personnel and learners.”

Sa week-long period ng suspension of classes, hindi required ang mga guro na magkaroon ng physical reporting sa kanilang school heads.

Ang mid-year break mula January 31-February 5, 2022 ay gugugulin ng mga estudyante para kumpletuhin ang kanilang backlog sa kanilang mga aralin.

Continue reading below ↓

Inaasahan namang isasakatuparan ng mga guro ang kanilang “usual activities inclucing in-service trainings and other learning related undertakings.”

Ang examinations para sa second quarter ng school year ay nakatakda sa February 7-8, 2022.

LGU RELEASES ANNOUNCEMENTS

Samantala, naglabas ng announcements ang iba't ibang local government units (LGUs) via social media kaugnay ng class suspension sa kani-kanilang lugar.

Continue reading below ↓

Post ng Quezon City Government FB page: “Suspendido ang klase mula kinder hanggang senior high school (K-12) sa Lungsod Quezon simula January 15, 2022 (Saturday), January 17 (Monday) hanggang January 22, 2022 (Saturday) alinsunod sa Regional Memorandum No. 17 S.2022 ng Department of Education-NCR…”

Ito ay para sa mga public schools ng Quezon City.

Nakasaad din sa post na prerogative ng private schools sa siyudad kung magkakansela sila ng klase, batay sa DepEd Memorandum DM-CI-2022-19, kung saan depende ang suspension sa pakikipag-usap ng private schools sa parents’ association.

Continue reading below ↓

Mababasa rin ang announcement na ito sa Marikina Public Information Office FB page.

Paalala ni Marikina Mayor Marcy Teodoro: “Tinatagubilin na bawasan muna ang paglabas sa inyong bahay, maliban lamang kung essential o lubhang mahalaga ang lakad at gawain.”

Inanunsiyo rin ng tanggapan ni Pasay City Mayor Emi Calixti-Rubiano via FB ang tungkol sa “week long health break” ng DepEd-NCR.

Continue reading below ↓

Noong January 14 pa lamang ay nag-anunsiyo na si Manila Mayor Isko Moreno ng class suspension ng public and private schools hanggang January 22, 2022.

Inilabas din ng Parañaque City Government ang announcement sa Facebook page nito.

Continue reading below ↓

Nag-announce na rin ang Antipolo City government na wala silang pasok hanggang January 29, 2022.

Bahagi ng post Mayor Jun Ynares, walang pasok sa “lahat ng antas (ALL LEVELS) sa parehong PHYSICAL (F2F) at VIRTUAL (Online) sa mga PUBLIC schools sa lungsod ng Antipolo mula January 17 to 29, 2022 para mabigyan ng panahon ang ating mga mag-aaral, magulang, mga guro at school personnel lalo na ang mga tinamaan ng sakit nitong pagpasok ng taon para makapagpahinga at magpagaling.”

Continue reading below ↓

Bukod sa NCR, nag-announce din ang provincial LGUs na ipatutupad din nila ang suspension of classes, gaya ng Pampanga, gayundin sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon o Calabarzon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) released its "health break" memorandum for the well-being of students and teachers following the surge of COVID-19 cases in Metro Manila.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results