Sinabi ni Vice President Leni Robredo noong January 18, 2022 na hiniling niya sa Commission on Elections (Comelec) na payagan ang kanyang opisinang maipagpatuloy ang isinasagawang COVID response programs habang nangangampanya siya para sa May 9 presidential elections.
Sa ilalim ng Comelec rules, ang mga kandidato ay pinagbabawalang magbigay, mag-alok o mangako ng “anything of value” kapag election period.
Ayon kay Robredo, sumulat na siya sa Comelec dahil patuloy na nakatatanggap ang kanyang opisina ng mga request at paghingi ng tulong mula sa local officials.
"Humingi kami ng exemption from Comelec na yung mga COVID-related na mga ginagawa ng office, payagan kami to continue even after February 8, lalo na kasi surge ngayon,” pahayag ng bise presidente.
Dagdag pa niya, “So, lalung-lalo na itong Swab Cab, saka yung Bayanihan E-Konsulta, saka siguro Vaccine Express.
“Ito talaga yung marami kaming ginagawa ngayon para makatulong sa surge. So, sana mabigay yung exemption."
Ang Bayanihan E-Konsulta ay programa ng OVP na libreng teleconsultation service para sa mga outpatient cases sa Metro Manila at mga karatig-lugar na walang access sa mga doktor.
Nagkakaloob din ang OVP ng libreng COVID Care Kits.
Ang Swab Cab ay isang mobile COVID-19 testing service.
Ang Vaccine Express naman ay isang drive-thru vaccination program para mas mapabilis ang pagbabakuna sa ibang lugar.
"Nagre-respond lang kami sa mga requests ng mga LGU. So, sinasabi naman namin lalo na yung mga LGUs na nakikipag-partner with us, na anytime na kailangan nila ng tulong in whatever form, willing kaming tumulong," pahayag pa ni Robredo.
ALSO READ:
Some Mercury Drug, Watsons Branches to Serve as Vaccination Sites: Palace
PH Must Flatten Curve or Risk 'Superspreader' Elections: Gov't Adviser