Mas dumami na ang options ng publiko kung saan sila puwedeng kumuha ng COVID booster shot.
Simula January 20, 2022, limang pharmacy outlets sa Metro Manila ang nakilahok sa pilot program ng Resbakuna sa Botika.
Inaasahang sa mga susunod na araw, palalawakin pa sa mga pharmacy na nasa ibang bahagi ng bansa ang pagsasagawa ng booster shot.
SINO ANG PUWEDENG MAGPA-BOOSTER SA MGA PHARMACY?
Maaaring magpabakuna ang mga kabilang sa mga sumusunod na grupo:
A1: Essential health workers (kailangang malakas ang immune system at hindi pa senior citizen)
Expanded A1: Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga miyembro ng kanilang pamilya na kabilang sa A1 (kailangang malakas ang immune system at hindi pa senior citizen)
A4: Mga manggagawa para sa essential services
A5: Mga mahihirap o kabilang sa indigent population
Mga edad 18 pataas na kabilang sa natitirang adult population
SINO ANG HINDI PUWEDENG MAGPA-BOOSTER SHOT SA MGA PHARMACY?
Ang mga indibidwal na hindi pa kumpleto ang kanilang dalawang dose ng bakuna (isang dose lang kung Jannsen)
Ang mga edad 17 pababa
Ang mga mahina ang immune system kahit pa edad 18 pataas
Ang mga senior citizen
KAILAN PUWEDENG MAGPA-BOOSTER SHOT?
Maaaring magpabakuna ng single-dose booster shot tatlong buwan makalipas ang second dose ng mga bakunang ito: AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, at Sputnik V.
Ang mga naturukan ng Janssen vaccine ay maaari nang magpa-booster shot dalawang buwan matapos silang mabakunahan.
PINAPAYAGAN BA NG MGA PHARMACY ANG WALK-IN?
Para sa isinasagawang pilot run ngayon, hindi pa papayagang mabigyan ng booster shot ang mga walk-ins.
Ang mga indibidwal na gustong magpabakuna sa mga pharmacy ay kailangang magpa-register sa kanilang local government units o sa registration system ng mga pharmacy, kung available.
Gayunpaman, maaaring magtungo sa mga kabilang na pharmacy para magpa-register at magpa-schedule kung kailan sila puwedeng magpa-booster shot.
ANO ANG KAILANGANG DALHIN KUNG MAGPAPA-BOOSTER SHOT?
Kailangang ipakita ang inyong original vaccination card or certificate.
Magdala rin ng valid ID.
NARIRITO ANG 5 PILOT PHARMACIES SA METRO MANILA NA NAGSASAGAWA NG BOOSTER SHOT
- Generika: Lot 23 Blk. 306 Zone 6, 138 Colonel Ballecer Street, Signal Village, Taguig
- Mercury Drug: 899 Pres. Quirino Avenue cor. Leon Guinto, Brgy. 692, Zone 75, Manila
- Southstar: Bayan-Bayanan Avenue, Brgy. Concepcion Uno, Marikina City
- TGP: Edison Street, Sun Valley, Parañaque City
- Watsons: SM Supercenter Pasig, Frontera Drive, Ortigas, Pasig City
ANONG BOOSTER SHOT ANG IBINABAKUNA?
Naririto ang recommended booster combinations na inilabas ng Department of Health noong December 22, 2021:
MORE NEWS YOU CAN USE:
Can You Get a Booster Shot While COVID Positive?
GUIDE: When to Get Your Booster Shot If You Have COVID Symptoms
Do You Need a Second Booster After Recovering From COVID?