Panukalang batas para sa karapatan sa "rest hours" ng mga empleyado, nasa senado na!

by Erwin Colcol
Jan 21, 2022
Man sleeping. Clock reads nine in the evening.
Layon ng Senate Bill No. 2475 na pagbawalan ang mga employers na pilitin ang mga empleyado na magtrabaho nang lampas sa normal working hours.

Isang panukalang batas ang isinumite sa senado na naglalayong pagbawalan ang mga employers na i-require ang kanilang mga empleyado na magtrabaho kapag oras na ng kanilang pahinga o rest hours.

Sa harap ito ng kasalukuyang sitwasyon na maraming empleyadong Pinoy ang may work-from-home setup.

Ang Senate Bill (SB) No. 2475 ay inakda ni Senator Francis Tolentino.

A work from home employee

Continue reading below ↓

Ayon sa senador, dahil sa work-from-home setup, halos wala nang boundary pagdating sa oras para sa trabaho at personal ang mga empleyado.

"Instead of destressing at home from the pressures of work, work is now brought to the employees' homes or wherever they go,” paliwanag ni Tolentino.

“Similarly, due to advances in technology, employees are now virtually always at the beck and call of their employers," dagdag pa ng senador.

NO MORE WORK AFTER WORK HOURS

Sa ilalim ng SB 2475, ang mga employers ay pinagbabawalan na i-require ang kanilang mga empleyado na magtrabaho o mag-report sa kanilang gawain kapag “rest hours”—maliban na lang kung may written consent ang mga empleyado ng kanilang consent.

Ang anumang kasulatan na nagsasaad ng pagpayag na magkaroon ng overtime work para lang matanggap sa trabaho ay ipapawalang bisa rin.

Pinagbabawalan rin ang mga employers na kontakin sa pamamagitan ng telepono, e-mail, mensahe, at iba pang paraan ng komunikasyon ang kanilang mga empleyado para sa anumang work-related purposes, maliban lang kung talagang kinakailangan.

Continue reading below ↓

Hindi maaaring parusahan ng employers ang mga empleyado na hindi sasagot sa anumang komunikasyon na kanilang matatanggap kapag rest hours.

MGA MANGGAGAWANG HINDI SAKOP NG PANUKALANG BATAS

Hindi naman sakop ng panukalang batas ang mga field personnel, domestic helpers, "persons in the personal service of another persons," at mga manggagawang binabayaran depende sa kanilang output.

Binigyang-kahulugan ng SB 2475 ang field personnel bilang "non-agricultural employees who regularly perform their duties away from the principal place of business or branch office of the employer and whose actual hours of work in the field cannot be determined with reasonable certainty."

PARUSA SA EMPLOYER NA LALABAG

Ang employer na lalabag sa nasabing batas ay kinakailang bayaran ang empleyado ng PHP1,000 kada oras ng ginawang trabaho.

Kapag ang empleyado ay pinagbantaan o tinakot para lang magtrabaho nang lampas sa kanilang work hours, ang employer na nagkasala ay makakasuhan ng grave coercion.

Kung ang empleyado ay nakaranas ng diskriminasyon o tinanggalan ng trabaho dahil sa kanilang panininidigan sa kanilang karapatan sa rest hours, ang employer ay mapapatawan ng parusang pagkabilanggo sa loob ng anim na buwan at pagbabayarin ng hanggang PHP100,000.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Layon ng Senate Bill No. 2475 na pagbawalan ang mga employers na pilitin ang mga empleyado na magtrabaho nang lampas sa normal working hours.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results