Babala ng DILG sa publiko: Peke ang "vaccination exemption card"

by Arianne Merez
Jan 21, 2022
The fake vaccination exemption card
Peke ang kumakalat na vaccination exemption cards na magagamit diumano ng unvaccinated individuals para makalabas sila ng bahay, makasakay sa pampublikong transportasyon at iba pang pribilehiyo.

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko tungkol sa “COVID-19 vaccination exemption cards” na diumano ay maaaring gamitin ng unvaccinated individuals para makalabas sila ng kanilang bahay, makasakay sa mga pampublikong transportasyon at iba pang pribilehiyo.

Ang babala ay inilabas ng DILG noong January 18, 2022.

DILG Usec. Jonathan Malaya

Continue reading below ↓

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, “The public is warned that there is no such thing as a ‘vaccination exemption card.’

“This is not authorized, issued, nor recognized by the government. In other words, these are fake.”

SA REGION 11 & 12 NAGSIMULA

Sinabi ni Malaya na batay sa mga ulat na natanggap ng DILG, ang “exemption cards” ay nagmula sa mga Facebook groups at group chats sa Regions 11 at 12.

Sinasabi diumano sa mga talakayan sa nasabing group chats na maaaring magpatala para sa “exemption cards” sa local government units (LGUs), at kikilalanin ito ng local authorities bilang kapalit ng COVID-19 vaccination cards.

Sinabi ni Malaya na ang gobyerno ay hindi mag-iisyu o kikilalanin ang mga ganitong “exemption cards” dahil kabaligtaran ito ng mga layunin ng isinasagawang national vaccination program.

Aniya, “Malaking kalokohan ito. Hinding-hindi mag-iisyu ng exemption ang pamahalaan kanino man dahil ang gusto nga natin ay mabakunahan na ang lahat bilang proteksiyon laban sa iba’t ibang COVID-19 variants.”

Continue reading below ↓

Tanging ang mga indibidwal na may medical condition ang binibigyan ng exemption, at kailangang pirmado ng kanilang doktor.

Nagpahayag din si Malaya ng pagkadismaya na may ilang tao na gumagawa ng mga ganitong gimik at maling impormasyon para manloko ng kapwa.

Aniya, “Nakakagalit na ayaw na nga nating magpabakuna ay pinapaniwala pa natin ang iba na puwede silang ma-exempt.

“Marami na pong nabiktima at namatay sa COVID-19. Ang bakuna ang nakasalba sa maraming tao sa mundo.”

I-REPORT ANG MAGPAPAKALAT NG ‘EXEMPTION CARDS’

Batay sa mga ulat na natanggap ng DILG, hinihingi sa mga tao ang kanilang pangalan, birthdate, address, at lagda para sa green vaccination exemption card na isine-share sa FB groups and group chats.

Ipinapa-print ang nasabing card, ipinapa-laminate at sinasabing iparehistro sa kanilang barangay/city/municipal LGUs.

The fake vaccination exemption card

Continue reading below ↓

Ani Malaya, “The so-called exemption cards look similar to the green COVID-19 Vaccination Cards being issued by several LGUs. Sa biglang tingin aakalain itong tunay dahil pareho ng kulay, format, at hitsura.

“Nananawagan tayo sa publiko na huwag magpapaniwala sa mga taong nagpapakalat ng COVID-19 vax exemption cards.”

Paalala niya sa publiko, “Wala pong ganun at peke po iyon. Agad mag-report sa mga awtoridad kung merong ganitong insidente sa inyong mga lugar.”

Inatasan din niya ang local authorities na maging mas maingat sa pagsusuri ng vaccination cards sa mga provincial and regional borders.

Ito ay para matiyak na tanging ang mga indibidwal na bakunado lang ang papayagang makapasok sa mga borders at makasakay sa pampublikong transportasyon.

Ayon pa kay Malaya, “Magiging mabusisi po tayo sa pag-iinspeksyon dahil baka nalulusutan tayo ng mga hindi pa nababakunahan. Ang paghihigpit natin ay para na rin sa kanilang proteksyon at kapakanan dahil wala silang kalaban-laban sa COVID-19.”

Continue reading below ↓

use valid VACCINATION CARD, VAXCERTPH DIGITAL CERTIFICATE

Inatasan naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang LGUs na parehong kilalanin ang LGU-issued vaccination card at ang DOH-issued VaxCertPH digital certificate.

Alinman sa dalawang ito ay dapat aniyang kilalanin kapag may inspection ang mga law enorcers o barangay officials.

Batay sa Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 Joint Administrative Order No. 2021-0001, ang standardized COVID-19 vaccine card ay ipagkakaloob sa indibidwal na nabakunahan na para matiyak kung kumpleto na ang doses nito, alinsunod sa mga itinakda ng RA 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012.”

ALSO READ:

Workers Exempted from 'No Vaccine, No Ride' Policy, Says DOLE

Who's Exempted from the 'No Vaccine, No Ride' Policy?

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Peke ang kumakalat na vaccination exemption cards na magagamit diumano ng unvaccinated individuals para makalabas sila ng bahay, makasakay sa pampublikong transportasyon at iba pang pribilehiyo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results