Japan muling nagpatupad ng restrictions; COVID-19 cases tumaas dahil sa Omicron

by KC Cordero
Jan 21, 2022
Japanese flag
Nagpatupad ang Japan ng restrictions sa 13 regions mula January 21 hanggang mid-February dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases.

Inaprubahan ng pamahalaan ng Japan noong January 19, 2022 ang pagpapatupad ng panibagong COVID-19 restrictions sa malaking bahagi ng bansa, kabilang ang Tokyo.

Magsisimula ito sa January 21 hanggang sa kalagitnaan ng February.

Ito ay para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng infections sanhi ng Omicron variant, at maiwasang bumagsak ang kanilang medical system.

Nitong January, nakapagtala sa unang pagkakataon ng mahigit 30,000 new cases sa isang araw.

Sa Tokyo, umabot sa record-breaking number na 46,000 ang new cases sa araw na ito.

Batay sa artikulong lumabas sa news website na reportr.world, ang restrictions ay ipapatupad sa 13 regions, at posibleng iba-iba ang mga ipagbabawal base sa sitwasyon.

Pero tiyak na apektado ang nightlife dahil mas magiging maikli ang operating hours ng mga bars and restaurants, at baka limitahan rin ang pagbebenta ng alak.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpatupad ang Japan ng restrictions sa 13 regions mula January 21 hanggang mid-February dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results