Malapit nang makumpleto ang pagtatayo ng Binondo-Intramuros Bridge Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Maynila.
Inaasahang mabubuksan na ito ngayong darating na Holy Week.
Sa report ni DPWH Undersecretary and Build Build Build (BBB) Chief Implementer Emil K. Sadain kay DPWH Secretary Roger G. Mercado, sinabi niyang ang 680 meters bridge project ay halos tapos na at kumpleto na ang magkabilang lane nito.
Nagsagawa na rin ang lahat ng involved sa proyekto ng mahigpit na inspeksyon mula Intramuros hanggang Binondo noong January 24, 2022 para matiyak na ang proyekto ay nakasunod sa mga itinakdang pamantayan batay sa nakasaad sa kontrata.
Paiikliin ng nasabing tulay ang travel time sa pagitan ng mga distrito ng Binondo at Intramuros.
Inaasahang makikinabang dito ang nasa 30,000 sasakyan araw-araw.
May extra space din para sa mga pedestrians, at may dedicated lane para sa mga bikers para sa mas ligtas at magaang daloy ng trapiko.
Ang Binondo-Intramuros Bridge Project ay may budget na PHP3.39 bilyon, at pinondohan ng China sa pamamagitan ng government aid grant.