Ilang buwan bago maghalal ang mga Filipino voters ng mga bagong lider ng bansa, magsasagawa ang GMA News and Public Affairs Digital Media ng voters’ education campaign na “#eLeksyonSerye."
Ito ay para itaas ang antas ng electoral literacy.
Gagamit ito ng multimedia approach sa mga social-media platforms nito na may 172 million followers.
“This digital effort continues our commitment to the Dapat Totoo campaign for Eleksyon 2022, in line with our goal of empowering Filipino voters to choose the right leaders that will chart the future of our country at this critical juncture in history,” ayon kay Marissa L. Flores, senior vice president for GMA News and Public Affairs.
Para sa maiden season, sisimulan ang #eLeksyonSerye sa pamamagitan ng #eLeksyon2022 Quiz.
Gamit ang Facebook (https://bit.ly/eLeksyon2022QuizFB) at IG (https://bit.ly/eLeksyon2022QuizIG) filters ng GMA New Media, Inc. at fun duets ng TikTok, hahamunin ng #eLeksyon2022 Quiz ang actual knowledge ng mga netizens tungkol sa halalan.
Alam ba ng netizens ang kanilang mga karapatan at responsibilidad bilang mga botante?
Pamilyar ba sila sa political system ng Pilipinas?
Ang kanilang score ang magsasabi kung talagang handa na sila sa #Eleksyon2022.
Para mas maging exciting and engaging ang #eLeksyonSerye, lalahok din sa challenge ang mga reporters ng GMA News, public affairs hosts, radio personalities, at mga Kapuso celebrities.
Available din ang #eLeksyon2022 Quiz sa GMA News Online via https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/content/821816/e-leksyon-2022-quiz/story/
Bilang pinakamalaking news creator sa TikTok Philippines, makikinabang at maraming matututunan ang mga netizens sa mga paksang tatalakayin sa paraang masaya at madaling maunawaan.
Ka-partner ang TikTok, tututukan ng #eLeksyonSerye: Voters' Education Series ang misinformation and disinformation, kung paano matutukoy ang fake news, at kung paano maging responsable ang mga netizens sa paggamit ng social media.
Noong 2021, ang GMA News and Public Affairs ang naging “largest news creator on TikTok” sa Pilipinas.
Ang TikTok accounts nito ay meron nang 1.7 billion views at may mahigit na 90 million cumulative likes as of February 28.
At habang papalapit ang Eleksyon 2022, paiigtingin ng #eLeksyonSerye ang information-dissemination campaign nito sa ikatlo at ikaapat na season.
Bawat season ay hihikayatin at bibigyan ng kapangyarihan ang mga botante na itaguyod ang katotohanan sa pagpili ng mga susunod na lider dahil bawat boto ay makakaapekto sa kinabukasan ng bansa.
“The campaign showcases our innovation and reach on digital platforms. We engage users in a fun way while underscoring the main purpose of our elections: choosing leaders who will come up with meaningful policies that will affect the lives of every Filipino,” ayon kay Jaemark Tordecilla, senior vice presidemt for GMA News and Public Affairs Digital Media.
Ang artikulong ito ay hango sa press release ng GMA News and Public Affairs.