Unverified persons, minors restricted sa e-sabong ng GCash

by KC Cordero
Mar 10, 2022
Screenshot of GCash app.
Papayagan pa rin ng GCash na magrehistro ang mga menor de edad at unverified persons, pero limitado na ang serbisyong kanilang makukuha.

Inanunsiyo ng GCash, isang mobile wallet and banking service provider, na ang mga menor de edad at mga indibidwal na hindi kumpleto ang verification process sa app ay lilimitahan ang access sa mga serbisyo nito.

Magiging restricted din ang pag-access ng mga minors at hindi nakakumpleto ng verification process sa Pitmasters o “e-Sabong.”

Sa pahayag na inilabas ng GCash noong March 8, 2022, sinabi nitong sumusunod ito sa mahigpit na patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng Anti-Money Laundering Council sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinatutupad na alituntunin.

Kabilang dito ang “Know-Your-Customer” (KYC) process para maberipika kung lehitimo ang mga gumagamit ng GCash app.

Pagtitiyak ng Gcash, “On top of a best-in-class KYC screening feature, we have additional safety measures in place to prevent unverified individuals from using our channel for e-Sabong, despite the fact that similar online and even offline channels offer the same service without stringent guidelines in place.”

Continue reading below ↓

Papayagan pa rin ang mga minors na makapagrehistro sa GCash, ngunit hindi nila magagamit ang karamihan sa features nito.

“The only way those below the legal age can possibly use GCash for this service is through unsupervised use of an adult account by a minor, or access through mule accounts which are rented, illegally sold, or falsified—all of which are punishable by law,” dagdag na pahayag ng GCash.

Pinayuhan din nito ang publiko na protektahan ang kanilang accounts, at isumbong agad sa mga awtoridad ang anumang insidente ng maling paggamit sa app.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Papayagan pa rin ng GCash na magrehistro ang mga menor de edad at unverified persons, pero limitado na ang serbisyong kanilang makukuha.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results