Watch Now

Pagbibigay-pugay kay Marcelo H. del Pilar: August 30 idineklarang National Press Freedom Day

by KC Cordero
Apr 30, 2022
A photo of Marcelo H. Del Pilar, and President Rodrigo Duterte talking to the reporters.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11699 na nagdedeklarang ang August 30 ng bawat taon ay working holiday at ipagdiriwang bilang “National Press Freedom Day.” Ito ay bilang pagkilala na rin sa mga nagawa ni Marcelo H. Del Pilar, ang “Father of Philippine Journalism.”

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 13, 2022 ang Republic Act (RA) 11699 na nagdedeklarang ang petsang August 30 ng bawat taon ay ipagdiriwang bilang “National Press Freedom Day.”

President Rodrigo Duterte signing.

Inilabas ng Malakanyang ang kopya ng RA 11699 noong April 27.

Batay sa RA 11699, ang August 30 ng bawat taon ay “working holiday” kung hindi papatak sa araw ng Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, ang Department of Education, Commission on Higher Education and Technical Education and Skills Development Authority, sa pakikipag-ugnayan sa Office of the President at media organizations, ay inaatasan na pangunahan ang lahat ng public and private schools na mag-organisa ng “consciousness-raising activities on the importance of the press, their rights and social responsibilities and the elimination of all forms of violence against the press.”

Inaatasan din ang DepEd, CHED at TESDA, “to ensure that the elimination of all forms of violence against the press will also be taught.”

Ang National Press Freedom Day ay bilang pagkilala rin sa bayaning si Marcelo H. del Pilar, ang itinuturing na “Father of Philippine Journalism.”

Kilala si Marcelo H. del Pilar sa kanyang pen name na “Plaridel.”

SINO SI MARCELO H. DEL PILAR?

Si Marcelo H. del Pilar ay isang writer, lawyer, journalist, propagandist at freemason.

Isinilang siya noong August 30, 1890 sa Bulakan, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ni Dr. Jose Rizal, isa siya sa mga nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas sa kamay ng mga Kastila sa pamamagitan ng panulat.

A photo of Marcelo H. Del Pilar

Itinatag niya ang pahayagang Diariong Tagalog noong 1882 upang palaganapin ang mga demokratikong liberal na ideya sa mga magsasaka at magbubukid sa Pilipinas.

Noong Disyembre 1889, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad, isang pahayagan ng mga repormistang Pilipino sa Madrid, Spain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ilalim ni Del Pilar, ang mga layunin ng La Solidaridad ay pinalawak upang isama ang pagtanggal sa mga prayle at ang sekularisasyon ng mga parokya; aktibong pagsali ng mga Pilipino sa mga gawain ng pamahalaan; kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, at pagpupulong; mas malawak na kalayaan sa lipunan at pampulitika; pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; asimilasyon; at representasyon sa Espanyol Cortes o parliamento.

Tinanggihan niya ang panukala ng mga gusto ng asimilasyon at magsagawa ng armadong pag-aalsa.

Ang kanyang paniniwala: "Ang paghihimagsik ay ang huling lunas, lalo na kapag ang mga tao ay naniniwala na ang mapayapang paraan ay walang saysay upang masiguro ang mga lunas sa kasamaan."

Namatay si Del Pilar sa Barcelona, Spain noong Hulyo 4, 1896 sa sakit na tuberculosis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11699 na nagdedeklarang ang August 30 ng bawat taon ay working holiday at ipagdiriwang bilang “National Press Freedom Day.” Ito ay bilang pagkilala na rin sa mga nagawa ni Marcelo H. Del Pilar, ang “Father of Philippine Journalism.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results