May 3 idineklarang national holiday bilang selebrasyon ng Eid'l Fitr

by KC Cordero
May 2, 2022
National Commission on Muslim Filipinos explains why May 3 is a holiday.
Inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos sa Office of the President na ideklarang holiday ang May 3, 2022 kahit ang Eid’l Fitr o ang Feast of Breaking the Fast ay pumatak ng May 2.

Idineklara ng Malacañang noong May 1, 2022 ang May 3 bilang regular holiday sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa pamamagitan ng text message sa mga mamamahayag.

Kasunod ito ng deklarasyon ng Bangsamoro Darul-Ifta’, ang Islamic religious authority sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na ang Eid’l Fitr o ang Feast of Breaking the Fast ay sa May 2.

Nilinaw naman ni Philippine Information Agency (PIA) Director General Ramon Cualoping na ang May 2 ay hindi national holiday kundi regional holiday sa BARMM.

Ang May 3 ang national holiday.

Paliwanag ni Cualoping, “The National Commission on Muslim Filipinos has recently recommended to the Office of the President that May 3 be declared a holiday, pursuant to Section 2 of Presidential Proclamation 1236 signed by President Rodrigo Duterte on October 29, 2021.”

Ang Eid'l Fitr ay ipinagdiriwang ng Muslim community tatlong araw matapos ang isang buwan na Ramadan fasting.

Continue reading below ↓

Nadedetermina ang Eid'l Fitr gamit ang lunar-based Islamic calendar sa pamamagitan ng sighting ng crescent moon sa Islamic month of Shawwal.

Ipinagdiriwang ang Eid'l Fitr bilang regular holiday sa bisa ng Republic Act 9177 bilang pagkilala sa Islamic heritage ng Pilipinas.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos sa Office of the President na ideklarang holiday ang May 3, 2022 kahit ang Eid’l Fitr o ang Feast of Breaking the Fast ay pumatak ng May 2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results