GMA Network full force ang Eleksyon 2022 coverage

by Press Release Translated by: KC Cordero
May 6, 2022
Veteran newscasters of GMA Network
Ihahatid ng “Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage” ang mga kaganapan sa halalan sa buong bansa sa pamamagitan ng mas pinalakas na TV, radio, at online platforms nito. (L-R) GMA-7 news anchors Arnold Clavio, Mel TIangco, Jessica Soho, Mike Enriquez, Vicky Morales, at Howie Severino.

PRESS STATEMENT FROM GMA-7:

Ihahatid ng GMA Network, ang nangungunang broadcast company, ang pinakamalaki, pinakakomprehensibo at pinakapinagkakatiwalaang election coverage sa pamamagitan ng Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage sa May 9-10, 2022.

Magsasagawa ang GMA-7 at GTV ng marathon coverage ng Eleksyon 2022 simula 4 a.m. ng May 9.

Social card of GMA Network's election coverage

Continue reading below ↓

Ipagpapatuloy ito hanggang hapon ng May 10. Ihahatid ang resulta ng halalan sa national and local levels kapag tapos na ang opisyal na bilangan ng mga boto.

Magkakaroon din ng walang tigil na paghahatid ng mga balita at impormasyon na mapapanood sa pamamagitan ng mga espesyal na programa para sa Eleksyon 2022, kabilang ang 24 Oras at Saksi.

Kasabay itong eere sa GTV, bukod pa sa Dobol B TV, Regional TV News, Balitanghali, at State of the Nation.

Walang humpay rin ang paghahatid ng pinakahuling breaking reports sa pamamagitan ng news bulletins sa GMA-7 at GTV.

‘THE MOST TRUSTED NEWS TEAM’

Magsasanib-puwersa para sa Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage ang 51 election coverage partners ng Kapuso network, mahigit 1,000 News and Public Affairs personnel sa lahat ng platforms, 11 regional TV stations, at 23 Super Radyo at Barangay FM stations sa buong bansa para ihatid ang election coverage sa television, radio, at online.

Continue reading below ↓

Pangungunahan ang special coverage ng mga haligi ng GMA News na sina Jessica Soho, Mel Tiangco, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Mike Enriquez.

Reporters of GMA Network

Mag-uulat din ang mga Kapuso broadcast journalists na sina Kara David, Ivan Mayrina, Atom Araullo, Maki Pulido, Pia Arcangel, Raffy Tima, Connie Sison, Sandra Aguinaldo, Susan Enriquez, Jun Veneracion, Mariz Umali, Emil Sumangil, Malou Mangahas, at ang lahat ng GMA News and Public Affairs reporters.

Continue reading below ↓

Aalalayan sila ng iba’t ibang news teams mula sa GMA Regional TV (RTV) at Super Radyo DZBB 594.

Ang election coverage ng GMA ay gagamit ng latest version ng Vizrt Graphics Solutions para magkaloob ng mas makahulugan at educational na content and presentations.

Ilulunsad din ng GMA-7 ang panibagong state-of-the-art set na dinisenyo ng Emmy award-winning U.S. firm FX Design Group.

Tampok naman sa studio ang LED video walls, color-changing panels, at open-floor space para sa dynamic production and content executions.

FULL-FORCE ACROSS ALL PLATFORMS

Handang-handa naman ang GMA Regional TV (RTV) sa paghahatid ng mga kaganapan sa local election sa iba’t ibang komunidad sa labas ng Metro Manila.

Itinalaga ng GMA RTV ang mahigit 55 news teams nito sa key areas ng North Central Luzon (GMA Dagupan at GMA Ilocos), Southern Luzon (GMA Batangas), Bicol Region (GMA Bicol), Central at Eastern Visayas (GMA Cebu), Western Visayas (GMA Iloilo at GMA Bacolod), Northern Mindanao (GMA Cagayan de Oro), Southern Mindanao (GMA Davao), South Central Mindanao (GMA General Santos), at Western Mindanao (GMA Zamboanga).

Continue reading below ↓

Mapapanood ng mga residente sa mga rehiyon ang pinakahuling ulat sa halalan sa pamamagitan ng 11 GMA RTV-produced programs na kinabibilangan ng award-winning local newscasts na umeere nang weekdays tuwing alas singko ng hapon: GMA Regional TV Balitang Amianan, GMA Regional TV Balitang Bicolandia, GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, GMA Regional TV Balitang Bisdak, GMA Regional TV One Western Visayas, GMA Regional TV One Mindanao; gayundin ang morning shows na GMA Regional TV Live!, At Home with GMA Regional TV, GMA Regional TV Early Edition, at ang Mornings with GMA Regional TV na umeere kapag weekdays tuwing alas otso ng umaga.

Maglalagay ang GMA RTV ng Eleksyon 2022 Help Desk sa lahat ng RTV stations. Sa tulong ng Eleksyon 2022 partner-schools ng GMA-7, tatanggap ang mga student volunteers ng tawag sa telepono at aalalay sa publiko sa kanilang election-related concerns.

Ihahatid naman ng “#StrongerTogether Election 2022 Special Coverage” sa mga Pinoy na naninirahan sa ibang bansa ang live coverage at pinakahuling balita sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng international channels na GMA Pinoy TV at GMA News TV, at may updates sa Balitanghali sa pamamagitan ng GMA Life TV.

Continue reading below ↓

Mapapakinggan sa Super Radyo DZBB 594, ang flagship AM station ng GMA-7, ang pinakakomprehensibong election coverage sa radyo sa pamamagitan ng Eleksyon 2022: DZBB Special Coverage, na may simulcast via Dobol B TV mula 5:30 A.M. hanggang 10 A.M. sa GTV.

Katuwang ng Super Radyo DZBB 594 ang 23 Super Radyo at Barangay FM stations sa buong bansa.

Para sa mga online user, matutunghayan sa GMA News Online ang pinakabago at most accurate election-related news and content sa Eleksyon 2022 website. I-click lang ang: www.eleksyon2022.ph

Gamit ang pinakabagong teknolohiya ng GMA New Media, Inc. (GMA NMI), ihahatid ng Eleksyon 2022 website ang real-time election results. Sa pakikipagtuwang sa COMELEC, GMA News Online at GMA NMI, ilalathala ang national and local elections data kapag available na sa media server ng COMELEC.

Gamit ang Eleksyon QR Code na makikita sa GMA-7 newscasts, maaaring ma-access ng viewers ang election microsite ng GMA News.

Continue reading below ↓

Mapapanood din ng netizens ang live stream ng Eleksyon 2022 coverage sa GMA News Online.

Para sa pinakahuling updates sa Philippine National Elections, bisitahin ang: www.eleksyon2022.ph

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release.

This article was translated from English to Tagalog by KC Cordero.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ihahatid ng “Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage” ang mga kaganapan sa halalan sa buong bansa sa pamamagitan ng mas pinalakas na TV, radio, at online platforms nito. (L-R) GMA-7 news anchors Arnold Clavio, Mel TIangco, Jessica Soho, Mike Enriquez, Vicky Morales, at Howie Severino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results