Comelec sisimulan na ang voter registration kung tuloy ang barangay, SK polls sa December

by KC Cordero
May 24, 2022
Announcement of barangay and SK voter registration
Sakaling matutuloy na ang ang halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa December 2022, sisimulan na ng Comelec ang voter registration ngayong June o July. (Photo courtesy of June Villasoto)

Sisimulang muli ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatala ng mga botante ngayong June o July 2022.

Ito ang inihayag ni Commissioner George Garcia noong May 23.

Ayon kay Garcia, ang registration ay dapat na magsimula anim na buwan bago ang halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ang voter registration para sa May 2022 elections ay nagtapos noong October 30, 2021.

"By June or July, we will already resume the registration of voters," ani Garcia.

"To those that have yet to become registered voters, watch out for the resumption of voter registration by June or by the first week of July."

Ang voter registration ay hindi lang para sa regular voters o mga edad 18 years old and above, kundi maging para sa mga boboto for SK polls.

Sinabi pa ni Garcia na ang registration ang hudyat ng paghahanda para sa December barangay at SK elections.

Continue reading below ↓

Sang-ayon naman si Garcia na sakaling hindi ituloy ang December 2022 barangay at SK elections, makatitipid ang pamahalaan ng PHP8.6 billion.

Nabanggit kasi ni House Majority Leader Martin Romualdez na pabor ang Liga ng mga Barangay na huwag ituloy ang halalan sa December.

Ayon kay Romualdez ay magagamit ng pamahalaan ang pondo sa halalan para sa COVID response and economic stimulus, at sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng pandemya.

Sabi ni Garcia ay susunod ang Comelec sa magiging desisyon ng mga mambabatas.

“Isipin niyo po gaano kalaki ang matitipid natin kung sakaling walang eleksiyon pero siyempre, parte iyan [eleksyon] ng ating demokrasya at Kongreso ang magdedesisyon kung matutuloy o hindi.

"Tatalima po kami sa sasabihin ng Kongreso, wala po kaming problema roon."

Sakaling hindi na naman matuloy ang barangay at SK elections sa December, ito na ang ikaapat na beses na ipinagpaliban ito ng Congress simula noong October 2016.

Continue reading below ↓

Pero kung itutuloy na, matapos ang voter registration ay maghahanap na ang Comelec ng kumpanya na na mag-iimprenta ng mga balota na gagamitin para sa nasabing halalan.

Manual naman o manu-mano ang gagawing pagbibilang ng mga boto.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sakaling matutuloy na ang ang halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa December 2022, sisimulan na ng Comelec ang voter registration ngayong June o July. (Photo courtesy of June Villasoto)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results