Watch Now

Inagurasyon ni BBM, isasagawa sa National Museum of the Philippines

by KC Cordero
Jun 2, 2022
Photo of president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang National Museum of the Philippines ang napiling venue ng kampo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa panunumpa nito sa June 30, 2022 bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Ang National Museum of the Philippines sa Maynila ang napiling venue ng kampo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanyang panunumpa sa June 30, 2022 bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Photo of National Museum

"The National Museum of [the] Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos' inauguration,” ayon sa inilabas na press statement ni Presidential Management Staff (PMS) secretary-designate Zenaida Angping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then."

Sinilip na aniya ng inaugural committee ni BBM ang National Museum, at “suitable” umano ito para sa kanyang oath-taking.

Ayon pa kay Angping, isinasagawa na rin ang mga kaukulang paghahanda para matiyak na magiging maayos ang inagurasyon.

Ang National Museum, kilala rin bilang Old Legislative Building, ay naging venue sa inagurasyon ng mga naging pangulo ng Pilipinas na sina Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).

Bukod sa National Museum, ikinunsidera rin ng kampo ni BBM ang Quirino Grandstand at Fort Santiago bilang possible inaugural venues.

Sa Quirino Grandstand nanumpa ang ama ni BBM na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1965.

Pero ayon kay Angping, hindi napili ito ang venue na napili para sa inagurasyon ni BBM dahil nang magsagawa ng inspection ang kanilang ocular team ay napansin na napapalibutan ito ng mga field hospitals na nag-aasikaso sa mga COVID-19 patients.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, "The safety and welfare of our people are paramount. As such, we chose to avoid disrupting the medical care being given to the COVID-19 patients housed there.

“That's why we opted for the National Museum as the venue."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang National Museum of the Philippines ang napiling venue ng kampo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa panunumpa nito sa June 30, 2022 bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results