LTO office sa PITX, open kahit araw ng Sabado

by KC Cordero
Jun 9, 2022
Documents for application and renewal for driver's license.
Maaari nang kumuha sa LTO-PITX ng non-professional driver’s license kahit araw ng Sabado. Bukod sa renewal at new application, tatanggapin din ang change classification at iba pang transaksiyon.

Inianunsyo ng Land Transportation Office (LTO) noong June 8, 2022 na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ay bukas na sa publiko tuwing araw ng Sabado.

Ang bagong schedule ay sisimulan sa June 11 mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

LTO announces new schedule at PITX.

Ayon sa ahensiya, maaaring mag-apply sa LTO-PITX ng non-professional driver’s license.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa renewal at new application, tatanggapin din ang change classification at iba pang transaksiyon.

Bukas din tuwing Sabado ang iba pang supplementary services, gaya ng driving school at medical clinic. Hindi na kailangang magpa-appointment.

Dagdag pa ng ahensiya, komportable ang pagkuha ng lisensiya at iba pang serbisyo sa LTO-PITX dahil maluwag ito, maayos ang airconditioning system, maraming kainan, at may parking area kung saan din ginagawa ang actual driving exam.

Ipinaalala naman ng LTO na bago maisyuhan ng lisensiya ang isang aplikante, kailangang ito ay 17 years old o mas matanda kung Pilipino, at 18 years old pataas kung foreign nationals.

Dapat ding physically and mentally fit para mag-operate ng motor vehicle, at marunong bumasa at sumulat sa wikang Filipino at English.

Ang applicant ay dapat na mayroon nang valid student driver's permit na naisyu sa kanya nang mahigit isang buwan.

Kinakailangan ding makumpleto niya at makapasa sa Practical Driving Course, wala siyang kasong may kinalaman sa paglabag sa batas trapiko, at nakapasa sa Automated Theoretical Examination and Practical Driving Test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maaari nang kumuha sa LTO-PITX ng non-professional driver’s license kahit araw ng Sabado. Bukod sa renewal at new application, tatanggapin din ang change classification at iba pang transaksiyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results