Ipatutupad na simula sa July 1, 2022 ang No Contact Apprehension Program (NCAP) sa Quezon City.
Ang anunsiyo ay inilabas ng official Quezon City Facebook page noong June 24, 2022.
Sa ilalim ng NCAP, hindi na kailangang personal ang pagbibigay ng traffic violation sa mga lumabag na motorista.
Sa pamamagitan ng high-resolution cameras, makukuhanan ng litrato at video ang mga plate number ng sasakyan kapag nakitang lumabag sa batas trapiko sa nasabing lungsod.
Makakatanggap din sila ng Notice of Violation at pagmumultahin batay sa QC Ordinance No. SP 3052 S-2021.
Maaari naman i-check sa http://nocontact.quezoncity.gov.ph kung may naging violation ang sinumang motorista sa batas trapiko at ordinansa ng Quezon City.