Watch Now

Saan galing ang "sampung libo ni Cayetano" at bakit ito laging trending?

by KC Cordero
Jul 2, 2022
Sen. Alan Peter Cayetano and wife Taguig City Mayor Lani
Nagtataka ba kayo na naglipana sa comments, memes, at posts sa social media ang “Sampung libong piso ni Cayetano”? Saan ba ito galing?

Kung mapapansin ninyo, kapag nagbabasa kayo ng mga post sa social media—Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa—kahit ano pa ang topic ay laging may magsisingit ng komento na: “Hinihintay ko pa rin yung promise ni Cayetano na sampung libong pisong ayuda.”

Kahit dito sa mga stories ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay madalas may magkomento ng tungkol sa PHP10,000 ni Cayetano.

May Facebook page din na dedicated tungkol dito, at may iba't ibang versions pa ng memes.

Post about the PHP10K

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan ay may online polls kung ano ang gagawin sakaling ma-receive ang pangakong PHP10K.

Ang tinutukoy na “Cayetano” ay si Senator Alan Peter Cayetano.

ANG UGAT NG ISYU SA PHP10K AYUDA

Sa katatapos lang na 18th Congress sa ilalim ng Duterte Adminsitation, isinumite ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano ang House Bill No. 8597 o ang "10K Ayuda" bill.

Isa itong financial aid program na mamamahagi ng PHP10,000 sa bawat pamilyang Pilipino o PHP1,500 kada miyembro ng pamilya.

Post about the PHP10K

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon ay kinatawan si Alan ng Taguig-Pateros, habang si Lani naman ang kinatawan ng second district ng Taguig.

Ngunit hindi pumasa sa Kongreso ang House Bill No. 8597, na dapat sana ay nakapaloob sa Bayanihan 3 COVID-19 aid package na may PHP5 trillion budget para sa taong 2022.

At dahil hindi naisabatas, walang natanggap ang mga tao.

Kaya ngayon, mistulang naging famous line sa pelikula ang tinuran ni Cayetano na paulit-ulit ginagamit.

Samantala, may mga nag-iisip namang publicity ploy ito at kaigaya-igayang tagline para sa name recall.

ALAN’S SIDE OF THE STORY

Sa ginanap na oath-taking ceremony ng Taguig City officials noong June 30, 2022, kabilang ang misis ni Alan na si Lani, na siya ngayong mayor ng lungsod.

Dito nagbigay ng pahayag ang senador.

Paglilinaw ni Alan, ang PHP10,000 Ayuda ay iba pa sa privately funded na “Sampung Libong Pag-asa” program, na nagkaloob ng PHP10,000 cash sa mga piling benepisyaryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sen. Alan Peter Cayetano delivering a speech

Aniya, ang “Sampung Libong Pag-asa” program na sinimulan niya noong May 1, 2021 ay malaking bahagi ng kanyang economic recovery plan para matulungan ang mga pamilya na magkaroon ng pambili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Ani Alan, "Sa mga namba-bash sa PHP10,000 Ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tigsasampung libo, ibinigay ko na sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sa katotohanan, ito’y isang legislative proposal. So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong Pag-asa during the pandemic, tumulong na lang kayo.”

Paliwanag pa ni Alan, ang pamimigay ng PHP10,000 na ayuda sa bawat pamilya ay isa lang “legislative proposal” at isa sa mga priority bills na agad niyang isusumite sa 19th Congress sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr.

Inihinto naman niya ang Sampung Libong Pag-asa program noong February 7, 2022, alinsunod sa patakaran sa pangangampanya ng Commission on Elections na bawal na ang mamigay ng tulong dahil baka mapagkamalang vote-buying move ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagtataka ba kayo na naglipana sa comments, memes, at posts sa social media ang “Sampung libong piso ni Cayetano”? Saan ba ito galing?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results