Libreng sakay sa EDSA Carousel bus extended; students, libre sa MRT-3, LRT-2, PNR

by KC Cordero
Jul 2, 2022
Photo of EDSA Carousel bus
Malaking kabawasan sa gastos ng mga pamilya ang pinalawig na libreng sakay sa EDSA Carousel bus na inaprubahan ni President Ferdinand Marcos Jr. hanggang December 22. (Photo courtesy of Nancy Sendico)

Inaprubahan ni President Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, July 1, 2022, ang isang memorandum na isinumite ng Department of Transportation (DOTr) para i-extend ang libreng sakay sa EDSA Carousel bus.

Nakapaloob din sa memorandum ang pagkakaloob ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-2 at PNR ng mga estudyante kapag nagbalik na ang classes sa August.

President Ferdinand Marcos, Jr. meets DOTr officials

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pag-aapruba sa memorandum ay resulta ng pakikipagpulong ni PBBM kina DOTr Secretary Jaime J. Bautista at Executive Secretary Vic Rodriguez sa Malacañang.

Ayon sa bahagi ng DOTr memorandum, "Considering the availability of budget for Service Contracting under GA 2022, the undersigned recommends the continuation of the Libreng Sakay Program for all passengers of the EDSA Bus Carousel."

Pagagaanin nito ang pasanin ng mga pamilyang Pilipino sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Makakatipid din ang mga estudyante ng pamasahe.

Ang pinalawig na Free EDSA Carousel bus rides ay tatagal hanggang December 2022.

Photo of EDSA Carousel bus

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inirekomenda naman na ihinto na ang libreng sakay ng lahat ng pasahero sa MRT-3.

Ayon sa DOTr, sa kasalukuyan ay “heavily subsidized” ang pasahe sa MRT-3, at ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang ahensiya na irekomendang ihinto muna ang libreng sakay para sa lahat ng pasahero ng MRT-3.

Paliwanag ni DOTr Secretary Bautista, "Considering the welfare of students, however, whose learning outcomes have been disproportionately affected by the pandemic, the undersigned recommends implementing a Libreng Sakay for Students Program for the First Quarter of School Year 2022-2023, or from 22 August 2022 to 04 November 2022.

“The Libreng Sakay for students will be implemented in MRT-3, LRT-2, and PNR."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaking kabawasan sa gastos ng mga pamilya ang pinalawig na libreng sakay sa EDSA Carousel bus na inaprubahan ni President Ferdinand Marcos Jr. hanggang December 22. (Photo courtesy of Nancy Sendico)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results