Malacañang no comment sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA

by KC Cordero
Jul 7, 2022
Photo of Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, and photo of the NAIA's facade.
Ayaw munang magbigay ng Malacañang ng komento sa isyu ng isinumiteng panukalang batas para palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport.

Wala pang komento ang Malacañang sa isyu ng isinumiteng panukalang batas para palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles noong June 6, 2022 sa ginanap na press briefing sa Palasyo.

Ayon kay Angeles, “Malacañang has no comment yet on this one. It’s just been filed. After all, wala pang first reading.

“So, any reaction would be premature if any is even warranted at this time.”

Matatandaang noong June 30 ay isinumite ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang House Bill (HB) No. 610 na naglalayong baguhin ang pangalan ng NAIA at isunod naman sa pangalan ng ama ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Dagdag pa ni Angeles, wala rin sa posisyon ang Malacañang para alamin kung napapanahon ang panukala.

Aniya, “This is not a bill filed by Malacañang, so, it’s not our place to indicate whether it is timely or not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was the congressman who filed it, so no comment for right now. Particularly, it’s very early stages. It’s just been filed.”

Ayon naman kay Teves, dapat lang ipangalan kay Marcos Sr. ang NAIA dahil naitayo ito noong panahon ng panunungkulan nito.

Nanungkulan si Marcos Sr. bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986, at naging diktador sa loob ng 14 years.

Sa bisa ng Republic Act 6639 na isinabatas noong 1987, ang dating Manila International Airport (MIA) ay naging NAIA bilang pag-alala kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino na napaslang sa nasabing paliparan noong August 21, 1983.

Bukod kay Teves, may mga nauna nang nagpanukala na palitan ang pangalan ng NAIA.

Noong June 2020, nagsumite ng panukala si former deputy speaker and Davao First District Representative Paolo Duterte at dalawa pang mambabatas na gawing “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas” ang pangalan ng NAIA.

Ayon kay Duterte, ang pangalang “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas” ay walang kulay at political agenda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsumite rin ng panukala noong April si Duterte Youth party-list Representative Ducielle Marie Cardema para ibalik ang pangalan ng NAIA sa MIA.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw munang magbigay ng Malacañang ng komento sa isyu ng isinumiteng panukalang batas para palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results