Napagwagihan ng Apo Reef Natural Park (ARNP) sa Occidental Mindoro ang prestihiyosong Blue Park Award.
Sa ginanap na United Nations Ocean Conference sa Lisbon, Portugal, hinirang ito bilang “largest coral reef systems in the world,” pangalawa sa Great Barrier Reef ng Australia.
Bukod sa Apo Reef, nakabilang din ang Raja Ampat Islands Marine Conservation Area ng Indonesia at ang Old Providence McBean Lagoon National Park ng Colombia.
Ang mga hurado ay binubuo ng international council of marine conservation experts na pinili ng Marine Conservation Institute, isang United States-based non-government organization.
Si ARNP Protected Area Superintendent Krystal Villanada and Philippine Ambassador to Portugal Celia Anna Feria ang tumanggap ng award noong July 1, 2022.
“We are very happy for this recognition bestowed on the Apo Reef Natural Park which is a testament to the hard work of our people at the Protected Area Management Office and all the stakeholders who have been with us in protecting and conserving this marine protected area,” ayon kay Department of Environment ang Natural Resorces OIC Secretary Ernesto Adobo Jr. sa pahayag na inilabas noong July 7.
Dagdag pa niya, ang award ay magsisilbing inspirasyon sa pamahalaan para mas palakasin pa ang mga inisyatiba nito para sa konserbasyon at proteksiyon ng marine protected areas sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga polisiya, programa, at pakikipagtulungan ng DENR sa iba pang stakeholders.
Kinikilala ng Blue Park Award ang katangi-tanging pagsisikap ng national government, non-profit organizations, marine protected area managers, at mga lokal na komunidad para sa epektibong proteksiyon ng marine ecosystems.
Bukod sa Apo Reef Natural Park, una nang nakatanggap ng Blue Park Award ang Tubbataha Reef Natural Park noong 2017.