Risa Hontiveros ok makipagsanib-puwersa kay Robin Padilla para maipasa ang divorce bill

by KC Cordero
Jul 13, 2022
Photos of Sens. Risa Hontiveros and Robin Padilla.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, malaki ang tsansang makapasa na sa 19th Congress ang divorce bill. Handa raw siyang makipagtulungan sa mga senador na mula sa majority bloc sa pagsusulong ng nasabing panukala na aniya ay isang “urgent reform measure.”

Open si Senator Risa Hontiveros na makipagsanib-puwersa kay Senator Robin Padilla para maipasa sa senado ang divorce bill.

Ayon sa senadora, handa siyang makipagtulungan kahit sa mga senador na mula sa majority bloc upang maisulong ang kanyang mga adbokasiya para sa kababaihan at mga bata.

Inaasahang muli niyang hahawakan sa 19th Congress ang pagiging chairperson ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.

Aniya sa isang pahayag noong July 11, 2022, "As in the past six years, I am always able to cross party lines and unite with other senators to push important laws.

"Upang mapabilis ang pagdinig, puwede naming isama sa record yung naging hearing at committee report sa dissolution of marriage bill noong 18th Congress."

Tinukoy ng senadora na ang divorce bill ay isang “urgent reform measure” para sa mga Pilipino na hindi makaalis sa bigkis ng kasal kahit pa wasak na ang relasyon ng mag-asawa.

Continue reading below ↓

"To be clear, it will not affect the sacrament of marriage as observed by many religions. The law only affects marriage as a legal relationship creating obligations between spouses.

“It will have no impact on healthy marriages. It only serves to help those stuck in unions that have become irreparably toxic, broken, or abusive."

Samantala, sa isang Facebook live forum noong July 3 ay sinabi naman ni Sen. Robin na bagaman at pabor siyang magsama hanggang wakas ang mga ikinasal, alam niyang may mga pagsasamang hindi nagtatagal dahil hindi magkasundo ang magkabiyak.

Aniya, "Hindi po ito [divorce bill] kailanman na sumasalungat sa pag-aasawa. Hindi ito isang bagay na kami ay kontra na magkaroon ng forever.

“Katunayan, ito pong panukalang ito ay nagbibigay ng proteksiyon unang-una sa mag-asawa—babae at lalaki—at sa kanilang mga magiging anak.”

Binigyang-diin ng bagong mambabatas na kailangang protektahan ang mga kababaihan pagkatapos nilang humiwalay sa kanilang mister.

Continue reading below ↓

Aniya, karaniwang nagiging paksa ang mga ito ng malisyosong tsismis, at nadadamay maging ang mga anak.

Para kay Sen. Risa, mas malaki ang tsansa na makapasa sa 19th Congress ang divorce bill at maging ganap na batas.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas na lamang, bukod sa Vatican City, ang bansa na walang diborsyo.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, malaki ang tsansang makapasa na sa 19th Congress ang divorce bill. Handa raw siyang makipagtulungan sa mga senador na mula sa majority bloc sa pagsusulong ng nasabing panukala na aniya ay isang “urgent reform measure.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results