Pagsusuot ng school uniform, hindi “strict requirement” ngayong pasukan

by KC Cordero
Jul 18, 2022
Teacher conducting a class
Hindi na required magsuot ng school uniform ang mga estudyante ngayong pasukan, pero kailangan pa rin nilang magsuot ng face mask. Required din ang paggamit ng face shield para sa ilang school activities. (Photo courtesy of 102.9 Sweet FM Kabankalan)

Hindi na magiging “strict requirement” ang pagsusuot ng mga estudyante sa public schools ng kanilang school uniform ngayong school year 2022-2023.

Ito ang inihayag ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ngayong araw, July 18, 2022.

Sara Duterte art card

Ayon sa pahayag ni Duterte na ibinahagi sa media, “Even before the pandemic, it is not a strict requirement for public schools to wear uniforms [DepEd Order No. 065, s. 2010] to avoid incurring additional costs to the families of our learners."

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “All the more that it will not be required this school year given the increasing prices and economic losses due to the pandemic.”

Matatandaang sa mga nakalipas na academic years nang ipatupad ang remote learning Daniel sa pandemya, hindi na ni-require ng DepEd ang learners na magsuot ng school uniforms dahil hindi naman aalis ng bahay.

Ipinag-utos na lang ng kagawaran ang pagsusuot ng learners ng damit na komportable at “appropriate” sa kanilang online classes.

Samantala, batay sa official order ng DepEd na isinapubliko noong July 12, magiging mandatory pa rin ang pagsusuot ng mga estudyante ng facemasks sa pagbubukas ng mga klase.

Kinakailangan ding gumamit ng mga estudyante ng face shields sa halip na face masks para sa mga aktibidad na kailangang makita ang kabuuan ng kanilang mga mukha.

Opisyal nang magbubukas ang SY 2022-2023 sa August 22, 2022 at magtatapos sa July 7, 2023.

Isinusulong din ng DepEd pagpapatupad ng full in-person classes simula November 2.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na required magsuot ng school uniform ang mga estudyante ngayong pasukan, pero kailangan pa rin nilang magsuot ng face mask. Required din ang paggamit ng face shield para sa ilang school activities. (Photo courtesy of 102.9 Sweet FM Kabankalan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results